Chapter Three

2 0 0
                                    

Gab's POV

Papunta ako ng mansiyon para ibigay kay Joseph ang Book ng financial statement sa companya, mahina kasi ang sales ng manggahan. Medyo hindi kasi maganda dahil hindi kami nag spray ngayong cropping. Pumunta ako ng opisina niya ngunit wala siya. Paalis na ako ng masulyapan ko sa hardin ang likod ng isang babae na nakaupo doon habang nag babasa ng libro. Lumapit ako dito para makita kung sino ito.

"Are you looking for Joseph?" napatigil ako sa paglalakad papunta sa harapan niya. Malakas ata ang pandama nito sa presensiya ng mga tao. "Are you his assistant?" tanong niyang muli.

"Yes. And yes, I'm looking for Joseph." sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at umupo sa harap nito.

"Undiscipline assistant. Ganyan mo ba pakitunguhan ang kapatid at isa sa may ari ng haciendang pinagtratrabahuhan mo?" tanong niya at inilapag ang libro sa harap niyang lamesa. Natulala ako ng makita siya. God! She's back.

"Dianne?" bulalas ko habang nakatitig pa dito.

"Kilala mo parin ako." sagot nito. Napabuntong hininga ako dahil mula sa seryosong mukha ay unti-unti itong napangiti.

"Sino ba naman ang makakalimot sa prinsesa ni Don Ban. It's been 10 years, ngayon lang ulit kita nakita." umiling-iling pa ako dahil hindi ako makapaniwala. Ito na siguro ang paparty na sinasabi nila kahapon.

"It's nice to see you Gab. Namiss kita." sabi nito at tumayo. Tumayo naman ako para pantayan siya at bigla nalang itong yumakap. Lagi siyang ganyan. Yayakap nalang kapag namimiss ang isang tao. Wala parin nagbago.

"I miss you Dianne." hinaplos ko ang likod nito bago kumawala sa yakap ko. "Ano? Are you staying here? O wag mong-"

"Yes. Dito na ako. For good intention. Ikaw, how are you?" tanong niya.

"Ito, nakapag-aral ng Buss. Add tapos kinuha na ako ni Joseph na assistant. Well, it's a good opportunity na makapagtrabaho parin dito." ngumiti siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinitigan ko siya na parang hindi makapaniwala.

"You're really a hard working man. Ano pala ang sasabihin mo kay Joseph?" kinuha ko ang dala kong FS at iniabot sa kanya.

"Humihina kasi ang ani ng manggahan. Ipapa-alam ko sana sa kanya. Wala naman pala. Balik na ako bukas."

"Ah, ako na magbibigay sa kanya. Darating din iyon mamaya." tumango naman ako.

"Sige, ah... Aalis na ako. Marami pa akong gagawin ee. See you around." ngumiti ito at niyakap akong muli.

"See you around. Magkwekwentohan pa tayo." tumango lang siya at umalis na din ako.

Joseph's POV

Papasok na ako ng opisina dahil kagagaling ko lang sa Palayan. Nagulat nalang ako ng makita ko si Dianne na nakaupo sa Visitor's area.

"What are doing here?" tanong ko. Nilagpasan ko siya at umupo sa dulo ng mesa ko habang naka pamewang na tiningnan siya.

"I saw the transaction ng manggahan. From June to May. Ang laking nawala last year, it's almost 2 million. Ang laki ng losses Joseph at wala akong nakikitang income ngayon, ano to palugi na?" tanong niya habang padabog na inilapag ang FS sa mesa.

"Malaki ang nawala last year, pero sa capital ako kumuha. At isa pa, mawalan man ang capital natin, atleast walang naiiwan na liabilities. Na bigyan ng sweldo ang mga tao. At bumabawi naman ngayon kahit walang income basta mapalitan ko lang ang nakuha ko sa capital." paliwanag ko at kinuha ang libro para scan iyon.

"Lugi parin. Yung income mo ngayon, ipapasok mo sa capital noon na nawala? Walang pumapasok na kita. Paano aangat ang business natin dito kung puro wala nalang kita. God Joseph, Montero Agricultural Company is well known in the whole asia. Paano kung malugi tayo kung lagi nalang ganito!" tumayo ito at nagpalakad lakad pa sa harap ko habang hinihilot ang sintodo.

"Dianne, calm down, 2 million lang yun. I know what I'm doing. Hindi ako tanga para pabayaan ang business na iniwan ni Dad okay!" Alam kong worried siya. At ngayon ko lang nakita ang ganitong pag aalala sa kanyang mukha. "Umupo ka nga, nakakairita ka."

"Ako pa ngayon ang nakakairita! Kesa 2 million lang yan ay mahalaga. Ni piso mahalaga. Ayusin mo namam ang pamamalakad mo Joseph. Paano nalang ang mana ko kung kelan kukunin ko tsaka naman pabagsak nang ibibigay mo." tumigil ito sa harap ko at tiningnan ako ng madilim. She's really like an angel in face but a evil.

"Hindi yun mangyayari. One thing Dianne, wala ka pang naipapakilalang boyfriend mo. Paano mo makukuha ang mana mo?" napangiting pang iinsulto pa ako sa sinabi kong iyon na siya namang ikinalukot ng kanyang mukha.

"How dare you? I will put your life in hell Joseph. Dahil habang hindi ko nakukuha ang gusto ko, mananatili ako dito." tumalikod ito sa akin at naglakad patungo sa pinto.

"Malinaw ang nasa last will testament ni Dad na kapag nakapag-asawa kana bago ko ibibigay sayo ang shares mo bilang anak niya. Saan pupulot ngayon ang reyna ng demonyong hari niya?" alam kong sobra-sobra na ang pagkainis niya sa sinabi ko. Pero wala akong paki alam. She's more beautiful kapag nagagalit at nagsusuplada. Lumingon ito sa akin at ngumisi.

"Alam ko naman yun ee. Madaming willing jan na aayain ko magpakasal. One in my top choice is Gab. What if i invite him and told him to marry me. Syempre papayag yun." nagtaas kilay pa ito habang tumawatawa. Naglakad ulit ito pabalik sa harap ko. "Kaya lang, patagalin ko muna. Gagawin ko munang impyerno ang buong mansiyon at hacienda."

Napangitngit ako sa mga sinabi nito. Sinalubong ko ang mga mata niyang nagbubunyi sa pang-iinis. Tatalikuran na akong muli pero hinigit ko ang braso niya at hinila. Maidiin ko siyang hinawakan para hindi makawala.

"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya ngunit hinila ko pa ito dahilan para mapahawak siya sa dibdib ko.

"Wag na wag kang magkakamali sa mga gagawin mo dito Dianne. Wag na wag kung ayaw mong ibalik kita sa America." binitawan ko ito ng bahagya ngunit tila napalakas ito kaya napa atras siya. Lumabas siya ng opisina at isinara ang pinto ng malakas. Narinig ko pa ang paninigaw nito sa mga katulong.

Hindi na siya ang Dianne na itinurin kong prinsesa. Ang prinsesang itinurin ni Daddy. Ang taong may malasakit at ang taong mala anghel. Hindi ko alam kong bakit naging ganyan ang takbo ng pag-iisip niya. Minsan naiisip ko kung ano ba ang naging kasalanan namin sa kanya at ganito nalang siya pagbalik niya. Kung tutuusin, sila ni Mama ang may kasalanan ng lahat at ako ang nagagalit dahil iniwan nila kami ni Dad. Pero bakit hanggang ngayon, hindi ko parin siya magawang sumbatan. At kahit si Mama na alam kong may sarili nang buhay sa America, ay hindi ko parin magawang saktan at sumbatan.

========
Please vote and comment thanks ❤😘

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon