Dianne's POV
No fucking shit! Isang malakas atang impakto ang mga nakatira dito. Padabong akong tumayo mula sa kina uupuan ko nang makita ko si Kath na paparating galing sa maisan. Katatapos lang ata mag distribute ng mga sweldo ng magsasaka. Lumapit ito sa akin ngunit hindi ko siya tiningnan. Itinuon ko ang malayong tingin ko sa buong hacienda.
"Parang ayaw mong nandito ka. May problema ka ata?" tanong nito.
"Parang ayaw ko na nandito ako? O parang ayaw mo?" pabalang kong sagot dito. Naramdaman ko ang pagtitig niya mula sa gilid ng mata ko.
"Hindi naman sa ganun. Pero napapansin ko kasi masyado kang malayo sa mga magsasaka." hinarap ko naman siya. Parang iba ang gusto nitong puntuhin ee.
"Hindi naman kasi ako kagaya mo. Feeling naaawa sa mga magsasaka. At bakit naman ako didikit sa mga pawisan na mga yan." ngumiti pa ito ng mapakla. Talaga atang nang aasar. Baka maingud ngud ko to sa lupa.
"Alam mo, kami ni Joseph lagi kaming nakikipag kwentohan sa mga magsasaka pagkatapos ng trabaho nila." pagkwekwento nito. Ang sarap naman sa ears. Pero wala akong paki alam. "Tska, di naman ibinababa kung anong kabuhayan nila dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi lalago ang companya." napatitig ako sa mga mata niya.
"Paano lalago ang companya kung dito palang sa anihan wala nang pumapasok na kita. Marunong ka ba sa negosyo o talagang nasa talampakan ang utak mo? Secretary? Asawa ng haciendero? Anong pinakain mo kay Joseph? Kata-" pak! And yes, sinampal lang naman ako nito. Makapal ata ang mukha kung hindi ko naramdaman ang sakit nun. Kaya sinampal ko din ito. Magkabilang pisngi.
Aabutin na nito ang buhok ko ng dumating ang mga trabador at inawat kami. Pumagitna ang isang matanda at hawak naman ng isang lalaki ang mga braso ko at hawak naman siya ng isa pang lalaki.
"Subukan mo ulit Kath! Kahit asawa ka ni Joseph, wala akong paki alam! Asawa ka ka lang.!" sigaw ko dito habang nagpupumiglas sa mga nakahawak sa akin.
"Asawa akong legal. Ikaw? Bastardong anak!" sigaw nito pabalik. Natahimik ako sa sinabi nito. Kinalma ko ang sarili.
"Sabihin mo ulit sakin yan. Lulumpuhin kitang aapak sa mansiyon." mahina ngunit madiin iyon. "Bitawan mo ako." sigaw ko sa nakahawak sa akin na siya namang bumitaw.
Bwisit na babaeng yun, ang kapal ng pagmumukha niya. Subukan niya! Subukan niyang magpakita sa mansiyon pag hindi ako nakapagpigil! Kakalbuhin ko yan.
Palakad-lakad ako papunta sa mga kabayo ng makita ko doon si Gab. Kinakausap si Hanna, ang pinakapaborito nitong kabayo. Lumapit ako sa kanya.
"Hanggang ngayon, mahilig ka parin sa kabayo?" tanong ko dito. Lumingon siya at ngumiti. Gaya ng dati, gwapo parin kapag ngumingiti.
"Oo ee. Alam mo, sila ang nagpapasigla sakin kapag may problema ako. Kinakausap ko lang sila." umupo ito sa nakatabing bangko doon at sinundan ko naman siya.
"Dati, takot ako sa kabayo. Pero natutunan ko din noong nasa America ako." kwento ko. Tumingin siya sa akin at sinalubong ko nang tingin ng kanyang mga mata.
"Nasabi ko na bang gumanda ka?" tanong nito. Naks! Nagblush ata ako dun. Siya palang nagsabing maganda ako mula pagdating ko dito sa Pilipinas. Tingin kasi nilang lahat sakin demonyo. Truth hurt Dianne!
"Ikaw aa. Kung ano-anu sinasabi mo. Mamaya, mahulog ako jan sige ka." pabiro kong sabi at hinampas siya sa braso.
"Talaga? Pagba nahulog ka, di kana kakawala?" balik nitong tanong. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako.
"Ang ganda ni Hanna." pag-iiba ko ng usapan. Tumawa naman siya ng malutong.
"Yes! Hanna is the best horse for me here in rantio. Lagi ko ngang gamit tong naglilibot ee." tumayo ito at hinamas hinmas ang ulo ng maamong kabayo. "Natatandaan ko pa ang lagi naming pangangabayo noon ni Kath ee."
"Kath?" gulat kong tanong at napatingin sa kanya? Paano naman nasali si Kath sa usapang ito?
"Siya kasi ang lagi kong kasama noon bago sila ikasal ni Joseph. Kaibigan ko siya. Secretary siya ni Jospeh noon. Ako naman ang taga pamahala ng hacienda habang nasa Manila siya." parang may kumurot sa puso ko. After 10 years ang daming nangyari sa buhay ni Gab na wala ako At ang Kath pa na iyon ang bahagi ng 10 years na yun.
"Alam mo, mabait si Kath. Kailangan mo lang siyang bigyan ng chance. Nakita ko kayo na nagsampalan kanina. Pero hindi na ako lumapit dahil umalis kana." napanga-nga pa ako. Hays! Dapat ba akong mahiya?
"Sorry." yumuko ako dito at itinago ang nahihiyang mukha.
"Ayaw mo ba sa kanya? Mahal niya ang Kuya mo. Saksi ako duon. Magkaibigan na kami ni Kath bago naging sila ng kuya mo. Kaya wag kang mag alala kong iniisip mo lang ang pwedeng mangyari sa kuya mo." nakakairitang pakinggan. Puro nalang Kath ata ang usapan na ito.
"Aalis na ako. Parang kay Kath at Joseph lang naman papunta ang usapan natin." tumayo ako at tinalikuran siya. Ngunit na bigla nalang ako ng biglang may yumakap sa akin mula likuran.
"Ganyan ba ang nagsasabing na miss ako? Tatalikuran kapag kinakausap ko?" may halong kilig at kaba akong naramdaman. Ano bang nangyayari sa akin. "I miss you Dianne." bulong nito sa tenga ko na mas lalong kiniliti ang buong katawan ko. Pinaharap ako nito sa kanya at nagtama ang aming mga mata.
"Gab...Uu-wi na a-ko." nahihirapan kong sambit dito dahil sa sobrang lapit ng aming mukha. Ngumisi pa siay at hindi ko alam kong anong meron dun.
"Okay. Pero bago ka uuwi, can i ask you a date tomorrow?" tanong nito. Lumaki naman ang aking mata. Date?
"Hoy aa!" itinulak ko siya ng malakas upang makalayo sa kanya. Tumawa lang naman ito ng para pang nang-iinis. "Date na sinasabi mo jan? Ang date para lang nagliligawan at para lang sa may relasyon."
"Kaya nga aayain kita ng date dahil liligawan kita!" sigaw nito. Wait, sinisigawan ako? Bat parang may iba akong naramdaman. Hindi pwede.
"No." tipid kong sagot. Tatalikod na ako ngunit hinapit nito ng isa niyang braso ang bewang ko at inilagay sa batok ko ang isang kamay. God! Ang lapit ng mukha namin sa isat-isa. Gusto kong ilayo ang aking mukha ngunit masyadong malakas ang pagkakahawak nito sa batok para idiin yun.
"Ulitin mo ang No, at hahalikan kita." nakaramdam ako ng kilig sa ano mang parte ng katawan ko. Sa Paa, tuhod o sa tiyan. Ewan basta, bakit ganito ang nararamdaman ko!
"O...o-kay." nauutal kong sagot. Yang dila mo. Saway ko pa sa aking sarili.
"Okay for what? For a kiss or for a date?" napapikit ako sa aking mata ng marahan. Naramdaman ko ang matangos nitong ilong na tumama sa aking ilong.
"For a date!" sigaw ko at napa dilat ng mata. Unti-unti namang tinanggal nya ang kamay sa aking batok ngunit naka yakap parin ang mga braso sa aking bewang. "Okay, I'll go tomorrow." ngumisi pa ito ng nakakaloka. Binitawan niya ako at napabuga ng malalakas na hangin. Muntik kana sa halik Dianne, sigaw ng utak ko.
"Good. No one can say No for me Dianne. Not you." kumindat pa ito na mas lalo niyang ikinagwapo. Bakit parang nagiging anghel ako sa taong to. Kagat labi akong tinalikuran siya at tumakbo pauwi.
Please vote and comment thanks 😍😘
Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
BINABASA MO ANG
THE LEGACY (completed)
FanfictionSi Joseph Montero, isang anak ng haciendero. Hindi maipagkakaila sa kanya ang saya at pagkakontento sa buhay. Nasa kanya na ang lahat maliban sa kanyang ina na iniwan sila at ang babaeng kapatid nito. Ito ang kulang sa pagkatao niya. Ang maramdaman...