Chapter fourteen

2 0 0
                                    

Dianne's POV

Nagising ako. Agad akong tumayo at tiningnan ang oras. Shit! 7 pm na. Dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit. Hindi to pwede. Kailangan kong magmadali bago pa mag alas diyes. Pinakiramdaman ko ang mga tao sa mansiyon. Mukhang busy silang lahat. Bumaba ako, walang tao sa sala. Wala ring tao sa kusina. Dumaan ako sa likod bago pumunta sa garahe. Pinaandar ko ang aking kotse bago pinatakbo.

Pumunta ako sa rantio. Dahan-dahan kong tiningnan ang mga kabayo. Napangiti pa ako ng makita ang ibang nakahiga at natutulog. Mamamatay na sila. Ang papangit din naman ng mga kabayong ito ee. Ang babaho din. Unlike America. Alagang alaga ang mga kabayo. Di naman kasi marunong si Gab mag alaga ng kabayo. Napatigil ako saglit sa paglalakad ng makita ko ang isamg anino. Malas naman.

Nagtago ako sa isang posteng malaki. Sinilip ko kung kaninong anino yun. Kay Gab. Malamang sa malamang dahil siya ang taga bantay dito. Bwisit naman. Kung natawagan ko sana si Cj s]ya ang gagawa nito. Nakita ko si Gab na naglalagay ng mga tubig sa pagkainan ng kabayo. Pumunta ako sa likod kung saan siya naunang naglagay. Hindi na ako makikita doon kaya dali-dali kong pinalitan ang mga tubig na inilagay niya sa kainan ng bawat kabayo.

Pumunta akong harapan, hindi pa ito umaalis. Nakatayo ito habang inaantay ang mga kabayong uminom. Nagtago akong muli dahil umilaw ang Cellphone ko. Putik! Ngayon pa nagtext tong Cj na to. Tumakbo ako sa malayong kinalalagyan ng kotse ko. Pumasok ako at tinawagan si Cj.

"Bakit ngayon ka lang. Ako na ang gumagawa! Tapos ko na sa likuran. Halikana dito, sa harap nalang ang gawan mo ng paraan. Nanduon si Gab nagbabantay." naiirita na ako sa kabagalan nito ee.

"Relax. Andito na ako. Nakikita ko si Gab. Paano na to? Nagbabantay siya?" reklamo aa. Dapat siya gumagawa ng paraan.

"Ako na bahala kay Gab. Maghintay ka aalis din yan." binaba ko na ang cellphone at lumabas ng hacienda. Tinawagan ko naman si Gab. Tatlong beses itong nag ring bago nito sinagot.

"Gab..." tahimik lang siya sa kabilang linya. "Are you free tonight?"

"Yes. Bakit? Are you okay?" nag aalalang tanong nito.

"Can you please come here. Nandito ako ngayon sa bar. Hang out?" nag order ako ng isang vodka.

"Okay, okay... Jan ka lang. Papunta na ako." sagot nito. Napataas pa ang kilay ko. Binaba ko na ang cellphone ko at tenext si Cj. Plan success. Hahaha! Mga bobo.

Pinanuod ko ang taong naglalandian ngayon sa bar. Mga manyak ee. May lalaking lumapit sa akin. Di naman ako suplada para hindi ito pansinin. Cute naman to ee. Kaso parang mas bata pa ito sa akin.

"Hai." bati nito.

"Hai, You are?" tanong ko. Ngumiti naman siya at nilahad ang kamay niya.

"Justin Cruz." Cruz... Parang narinig ko na ang apelyedong yan.

"Cruz? Familiar." tumawa siya. Ang cute naman ng bata.

"Yes, anak ako ni Mayor Ram Cruz." ah, kaya pala. Tingin collage palang to.

"Collage ka hindi ba?" tanong ko. Sasagot na sana ito ng makita ko si Gab na papasok at patungo sa kinauupuan ko.

"Gab... Andito ka na pala." tumayo ako para makipagbeso dito.

"Wala ka bang kasama? Bakit ka pumunta dito ng mag-isa?" sunod sunod na tanong niya.

"Yeah. Nakakabagot sa mansiyon ee. Gusto ko lang mag enjoy ngayon." napalingon siya kay Justine na kausap ko kanina. Nakita ko pa ang panliliit ng mga mata nito.

"He is Justine." pagpapakilala ko. Tumayo si Justine at inilahad ang kamay kay Gab.

"Gab. Anak ka ni Mr. Mayor?" inabot ni Gab ang mga kamay ng lalaki. Nakita ko ang paghigpit na hawak nito dahil may mga ugat na lumabas sa muscles niya.

"Gab, let's drink. Tinawagan kita para may kasama naman ako." he grab my hands. Anong ginagawa niya?

"Uuwi na tayo. Ihahatid na kita." hinila ako nito ngunit inagaw ko sa kanya ang kamay ko. Papakipot muna ako pwede?

"No, ayaw ko. Mag cecelebrate lang naman tayo. I just wanna enjoy-"

"Anong icecelebrate mo? Dianne, pwede kang magcelebrate pero hindi dito sa bar." inirapan ko siya. Babalik na ako sa upuan ko ng may ibang humila sa akin.

"Pre, ayaw nga munang umuwi ee. Ikaw nalang ang umuwi." sabi ng lalaki. It's Justine. Wait... Lagot na.

"Hindi pre, baka hinanahanap na kasi siya. Kailangan na niyang umuwi." napangisi si Justine at nakita ko ang yukom ng mga kamao nito.

"Dianne." tawag sakin ni Gab. Napatingin ako sa kanya. Isa rin to ee. Nakaready nang makipag suntukan ang kamay. Agad akong pumagitna.

"Ah, Justine. Uuwi na pala ako. Ano kasi... Hinahanap na talaga ako sa bahay. Bye." kinuha ko ang braso ni Gab. Hinila ko siya ngunit matigas parin siyang nakatingin kay Justine na nakangisi. "Let's go."

Nakarating kami sa parking lot. Padabog niyang isinara ang pinto ng sasakyan niya. Ipapakuha ko nalang sa driver ang kotse ko. Pinaandar niya ang kotse at pinatakbo. Nakita ko pa ang mahigpit nitong kapit sa manobela.

"Sorry." yumuko ako para hindi ko makita ang galit niyang mga mata.

"Dianne, next time naman wag kang mag isa pumupunta doon. Papatol ka na nga lang sa anak pa ni Mayor. 19 yrs old palang yun!" napatingin ako dito. What? 19 years old? Nasa bar at naglalasing. Makikipagsuntukan pa.

"Wag mo naman akong pagsalitahan na parang ang landi ko para patulan ang bata. Isa pa, nakipagkilala lang siya." pinagcross ko ang mga kamag ko sa ibaba ng aking dibdib.

"Ano bang icecelebrate mo?" napangisi ako sa tanong niya.

"Isang success lang naman." napabuntong hininga ako at tiningnan siya.

"Success? Anong success?" sinulyapan ako nito at muling itinuon ang tingin sa daan.

"Ah. Nakapagdeal kasi kami sa isang bagong client." Hinayhinay lang sabibig Dianne. Di pa ito ang tamang oras.

"Sa mansiyon kayo dapat nagcecelebrate. Tska, bagong client? Eh si Mr. Bartly lang naman ang nabanggut sakin ni Joseph na client nyo last-last week aa." umirap ako sa kawalan. Bakit ba yun ang naisip kong rason.

"My business in America ang tinutukoy ko." tumango lang naman siya at hindi na nagtanong. Ilang minuto pa ay narating na namin ang mansiyon. "Hindi ka na ba papasok?" tanong ko.

"Hindi na. Madami pa akong gagawin sa bahay. Goodnight. Matulog kana." tinanggal ko ang sitbelt ko at. Bumaba naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Goodnight. Mag-ingat ka pauwi." akala ko ay aalis na ito ngunit nagulat nalang ako ng bigyan niya ako ng maliit na halik sa noo.

"Pumasok kana." tumango ako. Binuksan ng guard ang gate at pumasok na ako. Nilingon ko siya at kumaway lang ito. Ngiting-ngiti lang akong pumasok sa mansiyon.

Hai reader/readers 😁...
Please follow po, for more update.
Also, vote and comment is very appreciated 😍😘

THE LEGACY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon