Critique #1: WAVES OF DESTINY

876 129 1
                                    

Waves of Destiny
By: archers_libero
Teen Fiction
Taglish

Note:
Bago ang lahat, I just want to congratulate you sa award/s na natanggap ng story mo. You deserve it! 😊

Disclaimer: I am not a professional critic.

All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.

Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.

Overall Rating: 7/10

*Title

I like the title. Simple lang pero nakakakuha ng attensyon at kuryosidad. I thought the plot will be so interesting. I expected more because of the title. But a little disappointed that it is kind of typical pala.

*Cover

The cover is simple yet on-point. But honestly, it could be better. Maganda na siya tho. May mas magaganda lang siguro.

*Description

Description pa lang ay makakarelate kaagad ang magbabasa. Pero ramdam ko rin na may pagka-cliche ang plot. Marami na kasi akong nabasa na teen fiction and majority is about fighting for love. Impression lang yun tho. But sabi nga, impressions last. I guess, improve it by including a little overview of the story itself. Mention some names and all. Pero syempre, wag ka pa rin masyadong mag-reveal. Just a little.

*Plot/Storyline

I like your prologue. Napaka-empowering sa mga babae. And of course, madaming nakakarelate.

As I go on, napansin ko na ang kwento ay parang typical. Mahirap girl na nakapasok sa isang eskwelehan para sa mayayaman. Mayayaman na hindi magaganda ang ugali.

Naging alalay din si Jershey ni Ian. Which is nabasa ko na ng ilang beses sa ibang stories. Typically, hindi na ako magpapatuloy pag ganito ka-cliche. Pero umaasa ako na as I read forward ay magugulat ako sa unexpected turn of events. Something na pinagkaiba ng story mo sa iba pang story dito sa wattpad.

*Language, Grammar, writing technique

I know you said you want to keep it informal for the time being. But once you decided to make it formal, I hope this tips could help you.

I noticed you keep using "?!". It is grammatically incorrect. Instead, just use exclamation point even if it is a question.

Also, if the punctuation at the end of the dialogue is period and you will follow it with narration, use a comma instead. And don't forget your punctuations in the dialogues. Mahalaga sila. Like this one...

"Oo Ate dito na lang. Nakakahiya naman kasi oh, tingnan mo." tinuro ko ang mga estudyanteng dumadaan.

It should be like this...

"Oo, Ate. Dito na lang. Nakakahiya naman kasi oh, tingnan mo," sabi ko at tinuro ang mga estudyanteng dumadaan.

Paghiwalayin mo rin ang paragraphs ng mga nagsasalita. Sa unang paragraph isang character lang. Sa kasunod isa ulit. Wag mo silang pagsamahin. Lalo na kung magkaiba ang nagsalita sa gumawa ng expression. At huwag mo rin kakalimutan sabihin kung sino ang nagsalita ng dialogue.

Like this one...

"I'm done with those equation. They are all damn." Ano ba namang klaseng estudyante 'to. Sasagutan ko na nga lang' to para matapos na. Dahil nga sa hindi nila ako hinayaang umupo pagkarating ko, nag-feel at home na lang ako at umupo sa pinakamalapit na sofa at prenteng inilapag ang mga gamit ko.

It should be like this... (example lang 'to)

"I'm done with those equation. They are all damn," sabi ni Ian na parang walang pakielam.

Ano ba namang klaseng estudyante 'to. Sasagutan ko na nga lang' to para matapos na.

Dahil nga sa hindi niya ako hinayaang umupo, nagfeel at home na lang ako at naglakad papunta sa pinakamalapit na sofa. Umupo ako rito at inilapag ang mga gamit ko.

Huwag ka rin pala gagamit ng mga salita na hindi lahat ay nakakaintindi. If ever man, may character na nagpaliwanag non or nasa narration ang ibig sabihin.

Also, huwag ka pala basta magsisingit ng POV na wala nang kinalaman sa chapter. Like si Jahzzhel sa chapter 3. Lagyan mo lang ng POV character mo kapag may relevance na sa chapter or sa story ung nangyayari na sila ang nagnanarate. If you want to introduce them as if nakikipag usap sila sa readers, do it at the very beginning. Wag mong biglang singit.

*Character

Prologue pa lang ay naramdaman ko na ang pagiging strong ng main character na tumayo sa sarili niya. I like it!  At kung ano mang claim mo sa behaviour, attitude at pagkatao ni Jershey ay naipakita mo ng maayos. Especially sa lakas ng loob na meron siya. Hindi siya magpapaapi. Pero tulad sa mga school stories, typical na mahirap, scholar at matalino. Typical na bida.

Ganoon rin para sa leading man, typical badboy na malakas ang connection.

I believe the second leading man is ace? Typical din. Typical nice guy contradicting kay badboy and mas naunang nagkagusto kay leading lady.

The supporting characters like Blythe and Jahzzhel are also typical. Supportive nga naman. I hope they will have their own story sa book at hindi shadow lang ni Jershey.

Overall verdict:
It is a typical university story but nostalgic and funny. Under the genre teen fiction, marami ngang readers ang makakarelate at magugustuhan ang story na 'to. Kailangan lang ng revisions sa language, coherence and cohesion, and this story is all set. I don't mind even if the characters seem to talk to the readers. Your readers love it anyway. Besides, it' s your technique. Just fix where and when you'll going to put it in the story. Keep up the good work! You're doing great!

Again, this is just my opinion.

Please leave a comment about what you feel in this critique. Thank you!

MR. CRITICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon