Sorry, but I love him
By: blueandpinkIce
Romance
TaglishDisclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Overall rating: 6/10
*Title
Sorry, but it's not appealing. Hindi malakas ang hatak ng attention niya kasi pagkabasa ko pa lang e expected ko na ang plot nito. Wala na siyang thrill at di na nakuha ang curiosity ko.
*Cover
Napaka typical ng cover. It is too bland. Tipong lalampasan ko lang 'to kapag randomly ay nakita ko ito dito sa wattpad.
*Description
Hindi rin nakuha ng description mo ang atensyon ko. Karamihan naman talaga sa mga bida ay true to theirselves. At sa mundo ng romance, natural ay puso ang sinusunod. Wala itong inooffer na kakaiba kaysa sa ibang stories.
Introduce the main characters and overview of the conflict of the story. Short but precise one paragraph will do. And don't overdo it. Wag masyadong revealing. Enough information lang para makuha ang atensyon ng readers mo.
*Plot/Storyline
Hindi ko nagragrasp ang storyline kasi puro fillers pa lang ang naka-publish na chapters. However, I am guessing na hindi ang current boyfriend niya na si Andre ang tinutukoy sa prologue. I have a feeling na si Nate ito.
It is too early for me to judge about sa plot ng story mo. So magaadvice na lang ako. Huwag na sana iyong plot na magiging magkaribal silang kapatid tapos masisira ang closeness nila. Gasgas na kasi 'yon. But if yun talaga ang ideya sa story na' to, make it more complicated than just the typical love triangle. Hindi ba' t disappointed na ang pamilya niya sa kaniya? Stretch it more. Sagarin mo.
For instance, magiging si Nate at ang ate niya. Pro na pro ang family nila sa kanila. Then, magiging third party siya. Literal na kabit ganon. When everything turns to worst, she and Nate will run away together. Sira lahat sa kaniya. Mula sa reputation niya hanggang sa relationship niya sa family and friends niya. At kapag si Nate na lang ang natira sa kaniya, he'll leave her too.
But of course, suggestion lang 'yan. Alam ko naman na may sarili kang plano for your story. Baka lang makatulong iyong sinabi ko.
*Language & Style
Ang dull ng prologue. Romance na ang genre ng story mo. So syempre, expected na na love story ito. Huwag mo nang ulit ulitin at ipamukha na gano'n nga. Instead, ipakita mo ang isang scenario sa loob ng novel mo na magpapa "ouch" or magpapa "woah" sa readers mo. Iyong mapapabasa pa talaga sila sa kasunod na chapters. (Search ths term In medias res and you'll know more about it).
Sa ngayon kasi, puro fillers ang chapters mo. So kung wala ring espesyal sa prologue mo, wala na. Probably ay hindi na tutuloy ang readers mo sa pagbabasa.
Weakness mo ang dialogue. Hindi siya natural. Especially iyong conversation ni Nate at Shehira sa chapter 2. Walang ka-emo emosyon. Masyadong stiff na para bang scripted at hindi usual talk nila. Alam mo iyong mga short actings/plays na pinapaperform sa'tin ng mga teacher natin sa highschool? Mukhang ginawa para do'n iyong dialogues. Gano'n ka-scripted.
Paki-bold ang POV para hindi nalilito ang readers lalo na kapag mid-chapter ka nag-change ng narrator.
Also, masyadong walang appeal ang narration mo. Lalo na ang unahan ng chapter 1.
Some of our relatives and close friends are on their way to our house. In just a few minutes the celebration will begin.
Instead na ganiyan ang panimula mo, why not describe the surroundings na lang? Or ang itsura ng room na kasama niya kapatid niya. It is all about the details.
*Characters
So, Shanier is kind of a black sheep. Maganda sana na hindi lang kami dapat makaramdam ng sympathy sa mga pinagdadaanan niya. Maganda kung maiinis din kami sa mga magiging desisyon at pagkakamali niya.
Huwag mo na sanang gawin iyong masyadong aping-api ang bida. Kung sobrang sumama man ang buhay niya, pakita mo na kasalanan niya rin at deserve niya 'yon.
Hindi ko maramdaman ang mga emotion ng characters sa dialogue. Nasabi ko na, madyado kasing stiff. Make it natural.
Overall verdict:
Exert more effort to make your story intriguing. Please do not be discouraged. Rather, just keep on writing and improving. Godbless and I hope the best for your story!***
Again, this is just my opinion.
Please leave a comment about what you feel in this critique. Thank you!