The Last Trip
By: nevertofadingstars
Romance
TaglishDisclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Note: Sorry sa delay. Noong July 21 pa sana 'to. But here it is...
Overall rating: 7.5 /10
*Title
Too generic for my liking. Napanindigan naman ito ng kwento at meaningful ang title kaya naging okay na ito para sa akin. It's kind of a metaphor so, yeah... Title is good to go. Bukod do'n, na-utilize din ito sa their band title.
*Cover
Simple lang pero nakukulangan and honestly, kalmadong tingnan. Okay lang naman ito para sa 'kin, though I suggest na dagdagan mo ito ng texts because it seems too plain. Maaaring maglagay ka ng quotation or subtitle.
*Description
Through the description, the meaning of the title came into light... sort of. It entails a much deeper meaning to it and depicted na siya kaagad sa description. Pakiramdam ko ay emotional ang atake nito at sobrang nakakakuha ng interes kasi ano nga kaya ang past na tinutukoy para piliin niyang i-grab ang last trip or not. Hindi na kataka-taka na ang dami nitong reads dahil description pa lang ay kuhang-kuha na ang mambabasa.
*Language & Style
🔹In Panimula, I love how you used travelling in a public vehicle as a metaphor for life. Hindi ni-reveal na "life" ang tinutukoy but the description of how people come and go and the arrival to destination is exquisitely written that I had no trouble realizing its relation to how our life goes.
🔹I noticed the frequent usage of informal words. Like...
Yung => iyong / 'yong
nu => ano / 'no
dun => doon/ do'n🔹May mangilan-ngilan din na mali sa spelling at typographical error such as na'ng. I believe it is no'ng. Once could be considered an error but since you used it repeatedly, it means that you're writing it wrong.
🔹I understand na unedited version ito. Evident ang mga errors lalo na sa capitalization, punctuation, at attributions. I' ll point out some example para makatulong sa'yo kapag mageedit ka na.
Ex:
"Wow ah, galing nitong manghula." Sabi ko habang naglalakad papunta dun sa basketball. Balak kung ubusin ang lahat ng token ko dito, o kaya kapag nagsawa na ako ay doon naman sa arcade. Pinalit ko na lahat ng barya ko para maging token.[Kapag attribution ang kasunod ng dialogue, use comma. Kapag hindi naman at ang kasunod ay isang action, description, tungkol sa ginawa o sinabi ng nagsalita, saka tuldok ang gagamitin.. Hence,]
"Wow a. Galing nitong manghula, " sabi ko habang naglalakad papunta dun sa basketball.
Balak kung ubusin ang lahat ng token ko dito, o kaya kapag nagsawa na ako ay doon naman sa arcade. Pinalit ko na lahat ng barya ko para maging token.
[Inihiwalay ko rin ang kasunod na sentence kasi hindi naman ito related sa dialogue na sinabi.]
Ex2:
"Sa Taytay pa." sagot niya.