Renascido || Prufmorth Academy of the Arcane
By: QueenRizal
Fantasy
Taglish
Disclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Overall Rating: 7.5/10
*TITLE
It is indicated that Renascido means reborn, revived; reincarnation. However, I believe that Reincarnation means na ang isang tao o hayop ay nabuhay muli sa present o future mula sa past. Malayo ito sa description mo na napunta ang protagonist sa webtoon. Isn't it crossing between different worlds rather than reincarnation?
*COVER
I like it! Medieval na medieval ang dating! With a hint of its fantasy world. Kudos to your editor!
*DESCRIPTION
Well said. Good job kasi nilagay mo ang translation ng title dito. Good-job ulit naglagay ka ng enough information. Kung randomly nakita ko ito dito sa Wattpad, mapapa-add to library kaagad ako!
I just noticed, nakalagay dito ay 'favorite novel' but sa prologue ang sabi ni Vanessa ay 'favorite kong webtoon'. I believe may pagkakaiba ang dalawang terminologies na iyon. I suggest, Webtoon na lang rin ang ilagay mo sa description.
*PLOT/STORYLINE
Napatawa mo kaagad ako prologue pa lang! Ngayon lang ako nakabasa ng sa baby nai-reincarnate! Tawa talaga ako ng tawa ng mabasa ko ito. Naramdaman ko bigla ang frustration niya sa katawan ng baby na iyon! HAHAHA
Pero dahil napunta siya sa webtoon, naalala ko lang biglaung W:Two Worlds na kdrama. Napunta rin kasi ang babaeng bida sa webtoon world sa palabas na iyon.
What I like in your story is that Vanessa will be an extra of the extra. She will not be the main lead of the webtoon. Although of course, siya pa rin ang bida sa story na ito. I like that irony. Hindi man bago iyong plot which is inside the webtoon, nilagyan mo naman ito ng spice. That is good.
Medyo na-confuse lang ako. Nai-reincarnate siya sa baby sa una tapos kaagad sumunod doon ay ang kay Vanessa. And then, sa chapter 1, nine year old Deborah naman. Sa unang pagkakaintindi ko, past life iyong baby then nai-reincarnate siya as Vanessa in the future. Then pagdating sa chapter 1, napunta na siya sa webtoon. In my opinion, maganda iyon kasi parang may mystery pa sa pagkatao niya talaga sa real world. That means, mayroong other twists, hindi lang sa loob ng webtoon.
But then, naisip ko rin na maaaring ang baby sa simula ay si Deborah na rin. Ibinalik mo lang kay Vanessa. Which is confusing. I don't know if intended na ma-confuse ang readers but if it is, I believe it should not be like that.
In my opinion, pili ka lang ng scene na ilalagay mo sa prologue. Isa lang. At iyong isa naman ay ilagay mo na as chapter 1. Parang mas clear iyon sa sequencing.
If pipiliin mong ang ilagay sa prologue ay iyong sa baby, then i-move na sa chapter 1 iyong kay Vanessa. Ibig sabihin, mamomove ang succeeding chapters mo. This will make sense kapag past si baby and future naman si Vanessa at Deborah (future pa rin si Deborah kasi nasa loob lang naman siya ng webtoon so same timeline in real world.) Para may distinction sa timeline.