The Diary
By: e_darlyng
Teenfic/Fantasy
TaglishDisclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Overall rating: 7/10
*Title
Indeed, the story is about the diary. Kaya lang, it is too generic. Napaka simple and honestly hindi na unique. How about, "Czylea Chronicles"... since records naman ng buhay niya chronologically ang laman ng diary. Suggestion lang naman. You may or may not follow it.
*Cover
It is cute! However, not attractive enough. Siguro, put more emphasis sa babaeng may hawak ng library. Enlarge her. Iyong mas close up pa na kuha.
*Description
Well said. Para sa akin ay okay naman na ang description mo. Akmang-akma na ito sa nakasulat sa loob. Syempre mababago lang kapag may changes kang ginawa sa plot.
*Language & Style
I recommend na huwag mo na ulitin ang nakasulat sa description sa panimula mo. Iba naman. Kung introduction, make it more defined and specific. If prologue, make sure na ang scenario do'n ay sobrang interesting para mahikayat mo ang readers na magpatuloy pa sa mga kasunod na chapters.
Huwag mong pagsamahin sa iisang paragraph ang dialogue ng isang tao at ang narration/reaction/expression/thoughts ng isa pang tao o ng kausap niya. Isang paragraph, isang tao lang. Maaaring dialogue niya ito kasama ng attribution, expression niya, tone, or thoughts.
Ayusin natin attributions mo and also proper usage of punctuation. Use comma instead of period if maglalagay ka ng attribution. If not naman at expression ang sumunod, that's when you use period.
Ex:
"Mamaya na yan Leanna. Pakainin mo muna ang anak mo." Si Papa.
It could be...
"Mamaya na 'yan Leanna. Pakainin mo muna ang anak mo," ani Papa.Ex:
"Ma hindi naman ganon si Vhenia. Alam mo yan dahil bata pa lang magkaibigan na kami." Depensa ko.
It could be...
"Ma, hindi naman gano' n si Vhenia. Alam mo 'yan dahil bata pa lang ay magkaibigan na kami," depensa ko.
(Huwag mo rin kalilimutan ang apostrophe sa mga contractions like gano' n, mayro'n, 'yon,' yan, etc)Ex:
"Ma, hindi naman po talaga ako kasali sa gulo." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
' yan okay lang na period yan.Also, don' t forget the i in kaniya, niya, etc.
Nakukulangan din ako sa narration ng details and surroundings. Work more in that aspects lalo na sa visuals. Hindi ko pa sila masyadong napipicture sa imagination ko.
*Plot/Storyline
I get that her whole life is already written in the diary. However, mas maganda siguro kung sinimulan mo ang content ng diary sa mangyayari sa kinabukasan niya.
Kunyare, Instead na kung paano sila nagkakilala ni Vhenia ang una niyang nabasa, ang nabasa niya kaagad sa diary ay ang biglang pagiging maeffort ng kaniyang manliligaw. Syempre di siya maniniwala. Pero kinabukasan e iyon ang nangyari.
Isa pa, kunyare, nabasa na niya kaagad sa diary iyong nangyari sa kapatid niya. Tapos magugulat siya na pag-uwi niya ng bahay ay exactly iyon ang nangyari.
Mas may impact iyon kaysa sa sinabi lang sa kaniya no'ng teacher/librarian kung bakit siya ang may-ari ng diary. Mas malakas ang impact kapag siya mismo ang nakakadiskubri. Mas may thrill. Mayroon na kaagad relevance ang diary na iyon sa buhay niya sa pinakang simula pa lamang if kaagad niyang nabasa ay ang mangyayari sa kasunod na araw ng buhay niya. Then, hindi at once ang nakasulat sa diary. Isa lang kada isang araw ang nalalaman niya. May sense of mystery kasi kapag gano'n ang atake.
Honestly kasi, naboringan ako. Medyo maraming filler at di naman na ako intrested pang malaman ang past niya especially kung paano nabuo ang friendship nila ni vhenia. Established naman na kasi na best friends sila kahit di ka maglagay ng flashback don.
However, may potential naman ang storyline. Kailangan lang siguro ayusin kung papaano isusulat at irereveal ang mga bagay-bagay.
Suggestions lang 'yan tho. Alam ko naman na may sarili kang plano sa story mo. Baka lang makatulong iyong mga sinabi ko. Atsaka, sana hindi normal na lovestory or student life' yong naprepredict. I hope may something unusual, unexpected, and more interesting.
Kasi if normal student life (or lovestory) iyong parating nababasa niya ro'n, parang ang dating sakin ay nawawalan na ng essence iyong diary. Parang typical story na lang din naman. Sa' kin lang naman iyon at opinion ko lang.
*Characters
I like the friendship between the bestfriends. Keep that up!
Nakukulangan lang siguro ako sa unique traits nila. Siguro kasi early chapters pa lang. Hindi ko pa feel iyong bida kasi wala pa siyang ginagawa na hihila sa'kin para sundan talaga ang mga pangyayari sa buhay niya.
Overall verdict:
Medyo boring but may potential naman ang plot. Marami pang technicalities and hindi pa nakakaangat ang writing style. Wag kang ma-discourage tho. Instead keep on improving your work and your skills. Kaya mo 'yan! Keep writing and Godbless!***
Again, this is just my opinion.
Please leave a comment about what you feel in this critique. Thank you!