I can see Death
By: colormeblvck
Paranormal/Fantasy/Mystery
TaglishDisclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Overall rating: 9/10
I HIGHLY RECOMMEND THIS ONE! PLEASE READ THIS IF YOU HAVE TIME.
*Title
Hindi special ang wordings but precise naman para sa story. Paki-capitalize na lang each beggining letter of the word kasi title siya (I Can See Death). Wala ka namang articles, FANBOYS or prepositions na dapat i-lowercase.
*Cover
Okay naman. Suited naman ang dark mood nito para sa story mo. Your target readers will be enticed by it. However, mas bet ko iyong anime na cover. Iyong may umbrella. Mas goose bumps siya. Masyado nga lang bland ang font style no'n pero mas gusto ko ang picture na iyon as cover.
*Description
Good job for doing it right - mentioning the main character and overview of the conflict of the story.
*Language & Style
I like the choice of words. I also love the prologue. It might be short but it made me want to read and know more. Good job for that.
Maayos ka rin magsulat. You describe the visuals quite well.
I also love your dialogues! Halatang pinag-isipan at pinaghandaan ng mabuti ang story bago isinulat.
May mga kaunting technicalities lang akong nakita tho.
For example,
"Kung natatakot ka rin namang ma-reject. Huwag ka ng sumubok pang magkagusto sa isang babae," tiningnan ko siya sa mata, "kung ganiyan ka rin lang naman, mas mabuti sigurong hayaan mo na lang sa iba ang babae."
Napanga-nga siya sa sinabi ko bago bumuka ang bibig na tumiklop rin naman agad. Kumunot ang noo niya't nakita kong naikuyom niya ang mga kamao.
It could be,
"Kung natatakot ka rin namang ma-reject, huwag ka nang sumubok pang magkagusto sa isang babae," sabi ko at tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. "Kung ganiyan ka rin lang naman, mas mabuti sigurong hayaan mo na lang na maging masaya sa iba ang babae," dagdag ko pa.
Bumuka ang kaniyang bibig ngunit itiniklop niya rin ito kaagad nang walang lumabas na salita mula rito. Kumunot ang kaniyang noo at naikuyom niya ang kaniyang kamao.
(Tinanggal ko iyong napanga-nga kasi redundant na.)Nagkukulang ka kang madalas sa kaniya, niya, akin, ko, etc. Subukan mo ulit basahin ang mga sinulat mo para makita mo kung saan nagkukulang. Para kasing nabibitin bigla iyong narration dahil do'n. Also, know when to use comma and period.
Interrobang (?!) is also grammatically incorrect. I suggest na gumamit ka na lang ng question mark. Malalaman naman na ng readers ang intensity sa tone base sa scenario.
One more thing, huwag mong pagsamahin sa iisang paragraph ang dialogue ng isang character pagkatapos ay susundan mo ito ng reaction o iniisip ng isa pang character.
For clarity and distinction, sa isang paragraph, dialogue ng iisang character lamang kasama ang attribution niya, facial expression, thoughts etc. Kung sumabat man ang kausap o nagreact ito, sa kasunod na paragraph na.
Example:
"You know, I can make you live like Junko. Watch how you speak. Wala pang sino man ang sumusuway sa mga utos ko." Natigilan ako bago mandilim ang aking mukha. Bwesit. Ano bang problema ng isang 'to?! Hindi baniya alam na kanina pa ako sobrang naiinis!
It could be like this instead...
"You know, I can make you live like Junko. Watch how you speak. Wala pang sino man ang sumusuway sa mga utos ko," salita niyang muli.
Natigilan ako bago mandilim ang aking mukha. Bwisit! Ano bang problema ng isang 'to? Hindi baniya alam na kanina pa ako sobrang naiinis?
Marami pa akong napansin na ganiyang errors but proofread mo na lang sila. Kahit ang paragraph bago ang part na iyan at ang paragraph pagkatapos ng part na iyan ay may same error din. Mismatch ng speaker, reaction at thoughts sa paragraph.
Gustong gusto ko nga rin pala kung paanong nagaganap ang mga pangyayari sa bawat chapter. Ang delicate ng pagkakasulat. Kuhang kuha ang atensyon ko. Hindi mo siya minamadali at hindi rin naman masyadong mabagal. Filler mang maituturing ang ilang scenario, interesting pa rin naman at hindi ako naboboringan. Maayos mo ring na-explain ang kakayahan niya. Madali ko itong naintindihan. Isa pa, goosebumps talaga don sa dinescribe mo na sa tingin ko ay parang grim reaper tapos kasama si Ericka. Ang creepy pero ang galing ng pagkakasulat! Never naging purple rose ang narration mo pero ang lakas ng epekto nito. Kudos for that!
*Plot/Storyline
Of course marami na rin akong nabasa at napanuod about murders sa school. Pero ang story na'to, masasabi kong kakaiba. Iba kasi ang atake nito at idagdag na rin ang maayos na pagkakasulat ng mga chapter.
Nakaka-excite ang misteryo na bumabalot sa mga namamatay na estudyante. Gusto ko rin na kahit ang setting ay school, mayroon itong matibay na foundation na plot at sinusunod na flow. Hindi ito typical student life.
I really recommend this one. I like it. No, I love it!
*Characters
I like Allison. She's a strong female lead. Kaya niyang tumayo mag-isa. At kahit wala siyang maging kapartner na lalaki sa kwento na'to, kaya niyang dalhin ang kwento mag-isa. Also, her attitude reflects her dialogues well. Good job!
I also like Anastasia. She is a supporting role but you gave her a unique trait at hindi lang iyong mga typical sidekick ng bidang babae. Good job!
Overall verdict:
Three words. I LOVE IT! Linisin mo lang ang technical errors and then, perfection! Magaling ang akda na ito! Ang underrated kasi nakita ko na maunti pa ang reads. Pero wag na wag ka madidiscourage do'n ha? Talented ka at magaling kaya ipagpatuloy mo ang pagsusulat. I'm sure someday you'll get the limelight you deserve. Godbless and Keep up the good work!
***
Again, this is just my opinion.
Please leave a comment about what you feel in this critique. Thank you!