Fallen Devil
By: Lorencium
Fantasy
TaglishDisclaimer: I am not a professional critic.
All details are just my opinion. I might be wrong; I might be right. I just provide A PERSPECTIVE that may help you improve your story. Kung paniniwalaan mo man o hindi, susundin mo o hindi, kaiinisan mo or hindi, ay depende na sa'yo.
Warning: The following contain word/s, phrases, sentences or paragraphs that may or may not hurt you. Please read at your own risk.
Note: Supposed to be ay noong July 20 pa ito pero nagkaroon ako ng responsibilities outside Wattpad na kailangan kong gawin. Sorry po sa delay. 🙏
Overall rating: 8/10
*Title
Simple but good. Kahit na galing naman ang devils sa hell, the title implies that he fell. Or maybe it meant something else like failure or fall in love. Whatever the meaning it carries, I think the title is a wise play of word.
*As I read the content, I figured Fallen Devil is a double negative word which means they are the devils who turned against Satan (Similar to Fallen Angels who turned against God). Fallen Devils just basically mean Angels too.
*Cover
May appeal naman. Kaya lang iyong font ay hindi masyadong readable para sa akin.
*Description
Interesting! Hindi ko lang nagustuhan ang pagkakaayos ng sentence sa bandang hulihan. "Ngunit nang isulat niya ito rito ay hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari. Dahil isang demonyo pala ang sagot sa kahilingan niya." Mas okay siguro kung diretsong sabihing demonyo ang sagot sa kahilingan niya. Like, "Ngunit nang gamitin niya ito ay hindi niya inaasahan na isang demonyo pala ang katuparan ng kaniyang kahilingan." Opinion ko lang naman. Choice mo pa rin.
*Language & Style
Maganda ang istilo ng paunang salita. May errors lang kaagad akong napansin.
Huwag mo pagsamahin sa iisang paragraph ang sinabi ng isang character at ang thoughts o expression ng isa pa. One character per paragraph lang. Dialogue ng iisang character na maaaring wala o mayroong attribution. Maaari ring kadugtong pa ang additional thoughts, description, o kilos na ginawa ng nagsalita. Pero hindi ng kausap o ng isa pang character.
Ex:
"Uzza." Nanlaki ang mga mata ko dahil alam niya ang pangalan ko. Pamilyar ang kaniyang mukha ngunit sigurado akong hindi pa kami nagkikita noon.It could be...
"Uzza."
Nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar ang kaniyang mukha ngunit sigurado akong hindi pa kami nagkikita noon. Kaya papaano niya nalaman ang pangalan ko?
[inihiwalay ko lang ang dialogue ng demon at ang narration ng isa pang character]
Ex2:
"Apo nakikita mo ba itong papel na ito?" Tiningnan ko ang papel na nasa palad ng lola ko.
[Ang lola niya ang nasalita ng dialogue pero ang kasunod na narration ay hindi patungkol sa lola niya kundi sa kung anong ginawa ng may POV. Dahil ganoon, dapat ihiwalay ang narration sa dialogue dahil hindi ito patungkol doon.]Ex3:
"Bunso, okay ka lang ba? Bakit ka sumigaw kanina?" Papaniwalaan kaya ni Kuya kung sasabihin ko sa kaniya ang nakita ko kanina? Pero baka pagkamalan niya lang akong baliw.
[Again, the dialogue is not hers. Sa kuya niya. So, the narration should not be bound to that dialogue as it is her thoughts and not an attribution or description related to the dialogue.]