Chapter 13

509 32 38
                                    


KEN'S POV



"Gusto ko ng makalaya dito."






Para kong nabingi sa narinig kong yun. Para na rin niyang sinabing gusto niyang makawala sa buhay ko.





"Gusto ko nang makawala sa kwarto to Ken. Gusto kong makalaya sa kulungang kuwartong to! Yun ang request ko, maibibigay mo ba yung hinihingi ko?" tanong niya at naglakad uli papunta sa kama niya.





"B-bakit?" naguguluhan talaga ko kung bakit ganito siya umakto ngayon. Bakit niya nire-request yun??







Bigla siyang humarap sakin at kitang-kita ko ang galit na naman sa mga mata niya.








"Ken, I'm not a kid anymore! I'm not stupid! And definitely not a pet na ikukulong mo dito sa bahay mo! Sawang-sawa na ko dito! Ayoko nang magkaroon pa ng connection sayo!!" galit niyang sigaw.







Parang pinupunit na naman ang puso ko dahil ganito na naman siya sakin. Ano ba talagang ginawa ko??








"What happened? Bakit galit ka na naman sakin? Akala ko okay na tayo?" maayos kong tanong sa kaniya.









Maayos ko siya iniwan kahapon. Imposibleng nagagalit siya dahil lang sa hindi ako nakauwi kagabi. Anong dahilan??









"Muntik ko ng makalimutang demonyo ka nga pala, magaling kang magbalat-kayo! Pero hindi mo na ko maloloko dahil alam ko na ang laro mo, Ken!" banggit niya at tila biglang may kung anong lamig na bumalot sa puso ko.








Demonyo? Magaling magbalat-kayo??








"Ano ba talagang ginawa ko?"









"Palayain mo muna ako sa impyernong lugar na to!!" sigaw niya.









Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nasusuklam na naman siya sakin. Para lang lang pala kong nanaginip nung isang gabi at nagising na ngayon sa katotohanan. Isang masayang panaginip na sana hindi na lang natapos.










"Rita, humiling ka na ng kahit ano pero hindi ko magagawa ang hinihingi mo." banggit ko.








Hindi pa. Hindi pa ngayon.








"Sinungaling ka!! Sinungaling ka!!" sigaw niya lalo at pinaghahataw ako. "Get out of my room! Get out!!" dagdag niya at tinulak ako hanggang sa makalabas ako ng kwarto niya.









Inilock niya iyon. Pinakuha ko ang spare key ng kwarto niya at pinabuksan iyon pero hindi pa rin nagbubukas. Mukhang may kung anong malaking bagay na nakaharang doon.









Nagpunta ko sa kwarto ko para makita sa cctv footage kung ano ang nakaharang doon. Yung mabigat niyang sofa pala. Paano niya nailagay yun dun?? Adrenaline rush??








Umiiyak siya habang nakaupo sa lapag.






Ano ba kasing nangyari?? Anong nagawa ko sa kaniya?!










Inutos ko na sirain na nila ang pinto ng kwarto ni Tata. Nakita kong napatingin siya sa pintuan niya nung marinig niya ang tunog ng chainsaw.









My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon