KEN'S POV
Pumasok ako sa kwartong pinaglagyan sa kaniya dito sa presinto. Sa galit ko ay nasuntok ko talaga ang mukha niya! Hayop talaga ang Victor na yun!!
Agad akong pinigilan ng mga pulis na nandoon.
"Sir, huminahon lang po kayo." pigil nila sakin.
Inalis ko ang pagkakahawak nila at umupo sa tapat niya.
"Kamusta? Haha. Ang tagal din nating hindi nagkita ah." nakangising banggit niya.
"Hayop ka!! Ikaw ang sumira ng pamilya nila Rita! Gago ka!!" banggit ko at muling tumayo para suntukin siya pero agad uli akong pinigilan ng mga pulis.
"Sir, huminahon lang po kayo. Baka po paalisin nila kayo." banggit ni Benjie at sinenyasan ang mga pulis na bitawan na ko. Sinunod din naman nila agad iyon.
Muli akong bumalik sa kinauupuan ko kanina at hinarap ang hayop na lalaking to.
"Walanghiya ka talaga! Paano mo nagawa sa kanila yun?!" galit kong tanong sa kaniya.
"Dahil sukang-suka na ko sa pagiging masaya nila!! Inis na inis ako sa tuwing makikita kong okay ang pamilya nila!! Hahaha." banggit niya kaya nakuyom ko ang kamao ko at gusto ko na naman siyang suntukin. Lalo na nung ngumisi siya!
Bwisit!!
"Actually kailangan kong magpasalamat sayo, hahaha." banggit niya dahilan para halos magsalubong ang mga kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Kasi mula nung dumating ka, unti-unti ko nang nabilog ang utak ni Ricardo nang hindi niya napapansin! Hahahahaha." banggit niya na mas ikinataka ko. "Ikaw ang dahilan kung bakit talaga nasira ang pamilya nila! Hahahahaha!!" dagdag niya.
"Ano ba talagang ibig mong sabihin?!!" galit kong tanong sa kaniya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit maayos ang pakikitungo sayo ni Rosanna noon?" nakangising tanong niya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong kinabahan sa sasabihin niya. Parang bigla ay ayokong pakinggan kung anuman ang babanggitin niya.
Inilapit niya ang ulo niya sakin.
"Dahil ang totoo, Ken... magkapatid kayo ni Rita! Anak ka ni Rosanna sa iba!! Hahahahahaha!!" parang demonyong tawa niya.
Parang sirang plakang umulit-ulit yun sa utak ko.
"Hindi totoo yan! Hindi totoo yan!!!" sigaw ko at sinuntok siya uli.
Hinigit ko ang kwelyo niya at mas inilapit siya sakin.
Wala akong pakialam kung pinipigilan na ko ng mga pulis dito. Wala akong balak pakawalan ang hayop na to ngayon!
"Bawiin mo ang sinabi mo!! Hindi totoo yon!! Hindi totoo yon!!!" sigaw ko at sinuntok siya. "Hindi kami magkapatid! Hindi kami pwedeng maging magkapatid!!" galit na galit kong sabi at muli siyang sinuntok.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...