Chapter 25

592 34 4
                                    

RITA'S POV



Una kong nagising kay Ken kinabukasan.







Paupo na sana ako nung maramdaman ko ang pagyakap niya sakin.







"Anong oras na?" tanong niya.








Napatingin ako sa kaniya dahil napaka-sexy ng pagkakabanggit niya nun. Nakapikit pa siya at mukhang antok na antok pa.






"5am." banggit ko nung tinignan ko yung wall clock.






Tumango siya at pilit nang umupo pero nakapikit pa rin ang mata niya kaya natatawang umupo na rin ako.








Pilit niyang binuksan ang kaliwang mata niya at ngumiti bago ako niyakap.










"Good morning, Love." bulong niya at inilagay ang baba niya sa balikat ko.









And swear! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.







Nararamdaman ko na ang pag-init ng pisngi ko nung maalala ko yung mga sinabi niya kagabi.








Well... kung tutuusin, aware naman ako sa mga nagagawa namin. Hindi ko naman maikakaila na talagang mas naging sweet siya sakin. Pero akala ko kasi dahil lang yun sa may nangyayari samin.









Alam niyo na... Ayoko namang mag-assume kaya hindi ko talaga akalaing mahal pala niya ko! At take note huh, mula pa nung bata kami! Ganun na katagal?!! Grabe!!






Siguro kaya siya masyadong protective sakin noon kasi hindi para protektahan ako sa ibang lalaki, kundi para hindi ako magmahal ng ibang lalaki dahil masasaktan siya, haha. Okay, baka assumption ko lang yan haha.











"A penny for your thoughts?" banggit niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.










Paanong ang gwapong nilalang na to ay nainlove sakin noon pa man?




"Kasama ba ko sa iniisip mo?" tanong niya bigla dahilan para mapangiti ako.










"Ikaw ang iniisip ko." banggit ko.








"Sh*t!" banggit niya at bumitaw sakin. "Teka naman Ta. Huwag naman ganung ka-direct, kinikilig ako eh, hayop na yan." natatawang banggit niya at nahipo pa ang puso niya.








Natawa tuloy ako at nailing na lang sa kaniya.








"Pero ako nga iniisip mo?" nakangiting tanong niya.









"Ikaw nga." banggit ko at ngiting-ngiti naman ang loko bago yumakap uli sakin.










"Iniisip mo ko, so ibig sabihin, may gusto ka na rin sakin? Mahal mo na rin ako?" nakangiting tanong niya.










"Hindi noh! Asa ka." banggit ko.







"Bakit? Pumapayag ka nga kapag may nangyayari satin eh, tapos sasabihin mo wala kang gusto sakin?" banggit niya at nagpout pa.










Natatawang pinisil ko nga ang pisngi niya. Ang gwapo-gwapo pero masyadong sensitive! Hahaha.









"Maligo na tayo. Maaga pa ang flight natin." paglilihis ko sa usapan namin.








My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon