A/N:
Eto na po talaga ang Final Chapter, hehe. Pero mag-a-add na lang po ako nang dalawang Bonus Chapters bukas. Para po yun dun sa mga nagrerequest nang additional chapters at para na rin po sumakto na lang nang 50 chapters tong story 😁☺️
------------------------------------
RITA'S POV
"Pasensiya na rin daw po, Miss. Ngayon lang din po kasi sila nagkausap nang pinsan niya uli kaya napahaba po ang kwentuhan nila." banggit ni Benjie.
"Wala ba yun nung nandon kami sa Nueva Ecija?" tanong ko.
"Wala po Miss, pinsan po kasi ni sir yun sa Father's side." banggit niya.
Tumango ako at tumayo na rin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nauna na kong lumabas sa kaniya.
Pagka-diretso sa bahay ay agad akong nag-ayos nang sarili. Sinuot ko yung damit na ipinahanda ni Ken para sakin.
Nang matapos akong mag-ayos ay bumaba na ko. Agad kaming bumyahe ni Benjie papunta sa Bataan. Nandoon daw si Ken ngayon.
Ano na naman bang pakulo non? Bakit sa Bataan pa kami magde-date? Haaaay naku talaga.
Ilang oras ang naging byahe namin kaya madilim na nung makarating kami sa...
Ano to? Bakit kami nasa daungan nang mga barko?
Paglabas ko ay literal na nagsalubong talaga ang mga kilay ko dahil sa nakikita ko.
"Love!" tawag ni Ken at agad akong nilapitan.
Naks! In fairness huh. Ang gwapo niya lalo ngayon. Mukhang bagong gupit siya at bagay sa kaniya ang Navy blue na coat niya.
Agad niya kong hinalikan sa sentido nung makalapit siya sakin.
"Tara na?" nakangiting yaya niya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Daungan naman to ng barko eh! Huwag niyang sabihing magbabarko kami?? Haha.
Napukaw ang atensyon ko nang isang magarang yate nung biglang bumukas ang mga ilaw non. Nandon yun sa dagat di kalayuan samin.
Ow-em! Diyan kami magde-date?!
"D-dun tayo magde-date?" tanong ko at itinuro pa yung yacht.
Ngumiti naman siya at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Yes, Love." nakangiting banggit niya.
Wow! Ang bongga! Ang ganda naman niyan! Haaaay... sabagay, ano pa nga bang i-eexpect mo kapag siya ang magsu-surprise di ba? Hahahaha. Lagi naman yang All-out ihh, hihi.
Inakay na niya ko papunta sa yacht na yun. Grabe, mas maganda pa pala yun sa malapitan.
May sumalubong saming mga unipormadong tao.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...