RITA'S POV
Maaga kaming umakyat papunta sa Acropolis. Baka sakaling nandoon siya.
"Miss, uminom po muna kayo." banggit ni Benjie kaya kinuha ko iyon.
Nakailang ikot na kami dito pero wala talaga dito si Ken.
Tumingin ako sa Parthenon.
"Tulungan mo naman ako oh. Tulungan mo kong hanapin yung lalaking mahal ko." banggit ko at pinunasan ang mga luha ko.
Hindi ito ang panahon para umiyak. Kailangan kong hanapin ang bawat sulok dito. Baka sakaling pumunta siya dito!
Nakailang oras kami dito kasama yung mga bodyguards ko pero kahit sila ay wala ding nakita. Napaupo ako sa isang gilid dahil sa pagod at sa sakit ng puso na nararamdaman ko.
"Miss!" alalang banggit ni Benjie.
Tinignan ko ang buong paligid.
Sabi niya, sa susunod na pupunta kami dito... kaming dalawa lang, kasi ayaw niyang may umaagaw ng atensyon ko. Paano namin magagawa yun kung bigla naman siyang nawala?
Nayakap ko ang mga tuhod ko dahil sa pagiging emotional ko.
Nang makapagpahinga ko ng konti ay bumaba na kami at pumunta sa mga lugar kung saan kami pumunta noon dito. Naghiwa-hiwalay kami ng mga bodyguards ko para mas mabilis naming matignan ang mga lugar na yon.
Bawat shop dito ay pinuntahan ko dahil baka nandoon siya. Inabot na kami ng gabi pero hindi pa rin ako nagpapaawat kay Benjie. Nakailang sabi na siya na magpahinga muna ako pero patuloy pa rin ako sa paghahanap. Pero wala talaga. Wala din si Ken dito.
Pagkarating namin sa hotel ay agad kaming nag-ayos ng mga gamit. Pupunta naman kami ng Santorini!
Naalala ko sabi niya, gusto niyang maghoneymoon doon! Baka sakaling nandoon siya para magbakasyon!
"Miss, kumain na po kayo." banggit ni Benjie.
"Sa eroplano na ko kakain." banggit ko at sinuot ang backpack ko.
"Pero Miss." banggit niya.
"Sa eroplano na, Benjie." banggit ko at lumabas na.
-------------------------------------
Agad akong nagtingin-tingin sa paligid nang makapunta kami dito sa Fira, Santorini.
Binalikan ko lahat ng mga pinuntahan namin. Maging ang hotel na pinag-stay-an namin ay pinuntahan ko rin. Pero wala siya sa mga yon.
Napaupo ako nung manakit na ang ulo ko.
"Miss, okay lang po kayo?" tanong ni Benjie.
"Oo." sagot ko nung tatayo sana, pero agad ako muling napaupo nung parang may gumuhit na kung ano sa ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko.
"Miss, hindi niyo na po kaya ang pagod. Magpahinga na po muna kayo." banggit ko. "Bumalik na po tayo ng Pilipinas. Tatawagan ko na lang po si Gio. Siya yung private investigator dati ni sir. Sasabihin kong hanapin niya siya." sambit niya. "Bumalik na po tayo ng Pilipinas para po makapagpahinga na po kayo ng ayos."
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...