RITA'S POVNagising ako dahil sa haplos na tila gumigising sa diwa ko. Napakagaan non. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Gina.
"Miss!" masaya niyang sabi at pumunta sa intercom. May tinawagan siya don.
Pagkatapos niyang tumawag ay bumalik siya sakin. Napansin ko agad ang mas maraming pasa niya sa katawan.
"Anong gi-nawa nila sa-yo?" mahina kong tanong.
Nanghihina pa rin ako. Nahihilo pa ko.
"I punished her dahil hindi ka niya binantayan ng ayos. Hindi to mangyayari sayo kung nandito siya non." banggit ni Ken na hindi ko napansing nakapasok na pala sa kuwarto ko.
"Ha-yop ka talaga." mahinang banggit ko sa kaniya.
"Gina, iwan mo muna kami." utos niya.
"Yes sir," magalang niyang sabi at umalis na rin.
"Ba-kit hin-di mo pa ko hina-yaang mamatay?!" inis kong banggit sa kaniya.
"You will never leave me Rita. I am the one to decide whether you live or not." banggit niya at umupo sa upuan sa tabi ng kama ko. "Huwag mo na uling gagawin yun kung ayaw mong mas malala pa sa mga pasa niya ang matanggap ng personal maid mo."
Wala talaga siyang kasing sama!
"Sana hinayaan mo na lang akong makita sila daddy. Gusto ko na silang makasama." aniko at unti-unti nang namumuo ang tubig sa mga mata ko.
"Ganun na lang ba yon sayo? Kikitilin mo ang buhay mo nang hindi ka nakakaganti sakin? Sinabi mo sakin noon na gagawin mo ring impyerno ang buhay ko di ba? Na babawiin mo lahat ng mga kayamanang kinamkam ko sa inyo? Anong nangyari sa plano mong yon?" seryosong tanong niya sakin.
Oo nga. Sinabi ko sa kaniya yon noon, nung hindi ko pa alam na sobra pala ang impluwensya niya. Gusto kong ipaghiganti noon pa man ang pagkamatay ng parents ko. Pero makapangyarihan siya. Ni hindi ko kayang lumaban sa kaniya.
"Paano sa tingin mo ko makakaganti sayo kung halos hindi ako makaalis dito?" seryoso ko ring tanong sa kaniya.
Paano ko maibabangon ang sarili ko kung patuloy niya kong kinukulong sa kwartong to?
"Just promise me na hindi ka na tatakas uli at gagawa ng bagay na makakapagpahamak sa sarili mo..." banggit niya at tumingin sa mga mata ko. "I will allow you to do whatever you want." sambit niya.
"Really?" tanong ko.
"You'll have my word." banggit niya at tinignan ang benda sa wrist ko.
"Kahit magtrabaho ako sa company?" tanong ko.
Kung gusto kong makuha uli lahat ng mga kayamanang kinamkam niya samin, kailangan kong malaman kung paano niya pinapatakbo ang company namin!
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomansaMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...