Chapter 22

612 33 6
                                    

RITA'S POV



Nagising ako dahil sa haplos sa buhok at halik sa noo ko.



Nagmulat ako at nakita siyang nakangiti.



"Hi. Good morning." nakangiting bati ni Ken.




"Good morning." bati ko at umupo na.


Hinipo ko ang leeg ko. Bumaba na ang lagnat ko at maayos-ayos na rin ang pakiramdam ko.



Maingat akong umusod para makababa ng kama pero bigla akong pinigilan ni Ken.





"Saan ka pupunta?" tanong niya.



"Sa cr, mag-iimis ng sarili." banggit ko at maingat na ibinaba ang paa ko, pero nagulat ako nung mabilis siyang bumaba sa kama at binuhat ako. "Ken, ibaba mo na ko! Kaya ko naman lumakad gamit yung kaliwang paa ko." banggit ko.







Nakakahiya kaya na binubuhat niya ko noh.








"Di ba sabi naman ni Dr. Aquino bawal ka pang maglakad." banggit niya sakin.







"Ken, isang paa lang ang masakit sakin. Huwag kang OA. Ibaba mo na ko. Alalayan mo na lang ako, mas okay pa sakin yun." banggit ko kaya wala siyang nagawa at ibinaba na rin ako.



Inalalayan niya ko papunta sa cr niya. Naghugas muna ako ng kamay bago ako nagmumog at naghilamos.






Napatingin ako sa salamin at napansing nakangiti siya habang nakatingin sakin mula doon.





"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya at kumuha ng towel para magpunas ng mukha.



Ngumiti siya at yumakap sakin mula sa likod.




"Masaya lang ako." banggit niya habang nakatingin sakin mula sa salamin. "Sana pala noon pa kita dinala dito sa kwarto ko para nagiging maganda ang gising ko tuwing umaga."



"Sira! Edi mas lalo tayong hindi nagkasundo?" banggit ko. "Baka minu-minuto tayong magka-away nun." natatawang banggit ko. "Alam mo namang isinusumpa kita dati eh. Sobrang sama naman kasi talaga ng ugali mo dati." dagdag ko dahilan para mas yakapin niya ko.








Ngumiti siya at hinalikan ang ulo ko.






"Ang tigas-tigas din kasi ng ulo mo noon. Hindi ka sumusunod sakin. Lagi mong binabalak tumakas. Nagagawa mo pang saktan ang sarili mo." aniya. "Nagagalit ako sayo dahil sa mga yun Ta, kaya nagiging malupit din ako noon. Kailangan kong maging matigas para magtino ka." banggit niya. "Pero thankful ako na okay na tayo ngayon. Nagagawa na nga kitang yakapin at halikan ng ganito eh." nakangiting banggit niya at hinalikan ako sa pisngi.







"Ewan ko sayo." nakangiti kong irap sa kaniya.





Natawa naman siya sa ginawa ko.





Ang totoo, hindi ko rin maintindihan kung bakit okay lang sakin ngayon na yakapin at halikan niya ko ng ganun. Nakakaramdam pa nga ako ng kakaibang kiliti sa puso ko kapag ginagawa niya yun.






"Tara na, kain na tayo." banggit niya at umayos na uli ng tayo at inalalayan na ko palabas ng cr.






Dinala niya ko dito sa terrace ng kwarto niya. Wow. Infairness, ang ganda ng view dito. Malamig din ang simoy ng hangin.




My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon