RITA'S POV"Sir, nasa loob na po si Dr. Aquino." banggit ni Benjie nung binuhat ako ni Ken mula sa stretcher ng ambulance.
"Hindi tayo didiretso ng hospital?" tanong ko.
"Para ano? Para makatakas ka uli? Nah-ah. Hindi ko na hahayaan yun, Ta." banggit niya at naglakad na. "Kaya naman ni Dr. Aquino ang sugat mo kaya no need para pumunta pa ng hospital."
"E bakit nagpatawag ka pa ng ambulansya?" tanong ko.
"Para malapatan yan ng first aid. Mahirap na, baka magkaroon ka pa ng malalang sakit dahil sa kakatakbo mo ng nakayapak kanina." banggit niya at tinignan ako. "Hindi ka na galit sakin?" nakangiting tanong niya dahilan para maalala kong galit nga pala ko sa kaniya.
"Galit pa rin ako sayo. Masama kang tao." mahinang banggit ko.
"Yeah, I think I am." natatawang banggit niya.
Nakita namin si Dr. Aquino sa sala. Binanggit ko kay Ken na ibaba na ko sa sofa pero dinala niya ko sa taas... sa kwarto niya.
Ibinaba niya ko sa kama niya.
"Bakit dito mo ko dinala?" tanong ko.
"You'll be staying here until you recovered on your injury."
"What?"
Kumatok si Dr. Aquino sa nakabukas na pinto bago pumasok sa loob.
"Another unexpected thing you did, Rita." aniya't lumapit sakin. "You never fail to give Ken a hard time." natatawa niyang sabi.
"Tss.. Just treat her wounds," utos ni Ken sa kaniya.
Natatawang umupo siya sa isang upuan malapit sa kama at binuksan ang kit niya.
Nilinis niya uli ang sugat ko at nilagyan iyon ng gamot. Sobrang sakit non lalo na nung iikot niya ang paa ko para malaman kung na-sprain ako sa pagkakadapa ko kanina.
"Hey, can you at least give her a painkiller? She's really in pain! D*mn it!!" inis na banggit ni Ken kay Dr. Aquino.
"Akala ko nga hindi ka magre-request ng ganyan." natatawa niyang sabi at kumuha ng syringe sa kit niya.
"Oh no! No! No!" takot kong sabi with matching hand gestures pa.
Takot ako sa syringe. Takot ako sa karayom!
"Kaya ko tong tiisin, please ayoko niyan." banggit ko na kabado dahil sa karayom na yun.
Tinignan niya si Ken.
"Rita, it's for your own good." aniya at umupo sa kama. "Kailangan mo yan para hindi mo na maramdaman yung sakit." sambit niya.
"Pero ayoko sa injection." banggit ko sa kaniya habang umiiyak.
"Para lang naman yang kagat ng langgam. Hindi yan magiging sobrang-"
"Ouch!" aniko at tumingin kay Dr. Aquino. Naitusok na niya yung syringe at hinila na rin agad yon.
"Yan. Tapos na. O di ba, hindi naman ganung kasakit?" banggit niya. "Ken, good job on distracting her,"
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomantiekMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...