Chapter 12

539 31 4
                                    


RITA'S POV




Nagising ako ng madaling araw. Nakayakap pa rin sakin si Ken.






Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan siya. Gwapo talaga siya. Mga bata pa lang kami talagang pansinin na siya dahil sa looks niya.







Napangiti tuloy ako kung paano ako nagiging delivery girl ng mga nagreregalo sa kaniya noon.





* FLASHBACK *

"Rita, pwedeng humingi ng favor? Pakibigay naman to kay Ken oh." banggit ni Jenny, classmate ko.




"Bakit ako? Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa kaniya?" takang tanong ko.







"Wala naman siyang ibang pinapansin dito sa school bukod sayo eh. Kung hindi lang talaga kayo nagtuturingang magkapatid, iisipin kong may gusto siya sayo." banggit niya na ikinainit ng pisngi ko.







Bakit naman niya naiisip yun? Parang timang lang, haha.








Pag-uwi ko, dumiretso ako agad sa kwarto ni Ken dala-dala ang regalo ni Jenny.









"O, Tata, bakit?" tanong niya nung makita niya ko sa labas ng room niya.







Gwapo naman talaga si Ken. Mula nung mag-aral siya, marami nang nagkakagusto sa kaniya. Lagi ngang nagkukwento ang yaya niya noon na may mga babaeng lumalapit sa kaniya para magbigay ng regalo pero tinatanggihan niya.








Maraming nagkakagusto sa kaniya pero wala ni isa man sa kanila ang pinapansin niya. Tinutukso ko nga siyang bakla eh kaya madalas niya kong kilitiin kapag inaasar ko siya, haha.








Hindi siya palakaibigan sa ibang tao kaya halos wala siyang kasama sa school. Madalas na tahimik lang siya sa isang tabi kapag nakikita ko siya. Pero pag magkasama kami, nakikita ko siyang madalas na nakangiti.







"Para sakin ba yan?" nakangiting tanong niya nung mapansin ang hawak ko.







Tumango ako.









"Pinabibigay ni Jenny," banggit ko pero nawala bigla ang mga ngiti niya.









"Kelan ka pa naging messenger, Tata? Tigilan mo yan huh." sambit niya at tila may halong inis sa pagkakabanggit niya nun.








"Napakasuplado mo kasi sa kanila kaya hindi nila maibigay sayo personally yung mga regalo nila eh. Kaya, ayan, sakin nila pinadadaan." banggit ko.







Tinignan niya ko at ngumiti.









"Fine, I'll try to talk to them para hindi ka na nila gambalain." nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko.








"Uy, ano ba! Hindi na ko bata! Ginagawa mo kong bata lagi eh, kaya hindi ako magka-boyfriend eh!" biro ko sa kaniya. I'm 12 kaya wala pa talaga sa isip ko ang boyfriend noh, haha. Niloloko ko lang naman siya.











"Sige, subukan mo lang magboyfriend, bugbog-sarado sakin yung lalaking yon. Bata ka pa, pag-aaral muna ang atupagin mo." pangaral niya sakin. Hahaha, sobrang strict talaga nito minsan, haha. Makasabi ng bata pa ko, e siya rin naman bata pa haha.






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon