Chapter 29

559 29 7
                                    

KEN'S POV




Last day na namin dito sa Athens kaya sinulit na namin ni Tata ang paggagala. Pumunta kami sa iba't-ibang lugar at nagtry ng mga pagkaing kilala dito.





Nagtitingin ng mga gamit si Tata sa isang shop nung mapansin ko ang isang cafe. Nagpaalam ako na bibili lang ako ng inumin namin kaya tumango naman siya, pero pagbalik ko... may kausap siyang foreigner.





Nagmabilis akong lumapit sa kaniya.







"Thanks for the informati-"







"Excuse me." seryoso kong banggit at dinanggil yung lalaki bago lumapit kay Tata.







"Ken!" saway niya sakin. "I'm sorry Philip, he didn't mean to do that." maayos na banggit niya dun sa lalaki.









"No. It's okay." nakangiting banggit nung Philip.





"She's my girl, dude. Back-off!" seryoso kong banggit.





"Ooh! I'm sorry." nakangiti niyang sabi at umalis na rin.







"Para ka talagang sira! Bakit naman ginano'n mo yung tao?" banggit ni Tata.








"Tss... nagpapacute lang sayo yun eh, natuwa ka naman! O eto nang inumin mo!" inis kong sabi at binigay sa kaniya yung milkshake niya bago naglakad na.







Tss... Mas matangkad lang naman sakin yung Kano na yun!








Napatingin ako nung maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Tinignan ko siya pero nagtititingin lang siya sa mga shop sa gilid niya.








Napangiti naman ako. At least alam niya kung paano na bumawi ngayon, haha. I intertwined our fingers dahilan para tignan niya ko.








Nginitian ko siya kaya napangiti na rin siya.







"Patikim ako nung sayo." banggit niya at bago ko pa ma-realize yung sinabi niya ay nakalapit na siya sakin para tikman yung inumin ko. "In fairness, masarap din." banggit niya na mas ikinangiti ko.








Ang cute niya talaga haha.







Pinatikim niya din niya sakin yung iniinom niya at masarap nga din yun. Nag-ikot-ikot pa kami dito at bumili ng mga tingin naming magandang ilagay sa bahay.






Umupo kami sa isang bench nung mapagod kami. Nakaakbay ako sa kaniya habang nagpapahinga at nanonood ng mga taong naglalakad-lakad. Maraming tao sa pinanggalingan namin dahil nakahilera doon ang mga souvenir shops.






"Ang ganda dito noh?" banggit niya habang nakatingin sa paligid namin.







"Mas maganda ka pa rin." banggit ko na ikinatawa niya.









"Ang corny talaga nito." banggit niya at tumingin sakin. "Ano pa lang gagawin mo sa Santorini bukas?" tanong niya.









"About business lang." banggit ko at pasimpleng nakagat ang pang-ibabang labi ko.




Hindi niya dapat mahalatang bigla akong na-tensed nang banggitin niya ang lugar na yun.







My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon