Chapter 6

473 36 7
                                    

RITA'S POV





Nagising ako kinabukasan dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Bigla akong kinabahan. Paano kung si Ken yun? Paano ko siya haharapin?!!




Para kong nabunutan ng tinik nung si Gina pala iyon. Haaaay.. Akala ko si Ken na eh.



"Good morning Miss." banggit niya at may dala-dalang pagkain para sakin. "Pinahanda po to ni sir para sa inyo." nakangiting banggit niya at tinulak na yung stainless na breakfast cart.







Mukhang maraming pinahanda si Ken para sa almusal ko.







Bigla kong nakuha ang unan ko at nayakap iyon nung maalala ko yung nangyari kagabi.






~ Ang shunga-shunga ko naman kasi eh! Bakit ba ko tumugon sa halik na yun?!! ~




Itinago ko ang mukha ko sa unan na yun dahil sa hiya ko sa sarili ko. Nakakainis maalala yung nakangiti niyang mukha kagabi!!





* FLASHBACK *



Nahawakan ko ang pisngi niya nang maging mas matagal pa ang halik na yun. Kakaiba sa pakiramdam. Parang kahit sarili ko ay tina-traydor ako para tumugon ako sa kaniya.





Dahan-dahan akong napamulat nung ihiwalay niya ang labi niya sa labi ko.





Napakaganda ng pagkakangiti niya at parang feeling ko, naisahan na naman niya ko!







Nakaramdam ako ng mabilis na kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung halikan niya ang noo ko.





"Magpahinga ka na." nakangiting banggit niya at umalis na sa kwarto ko.


* END OF FLASHBACK *








Pag-alis niya, saka ko lang na-realize kung ano talaga yung nangyari! Saka ko lang talaga napagalitan ang sarili ko dahil sa pagganti sa halik na yun!!




"Miss, okay ka lang po?" tanong ni Gina dahilan para tignan ko siya pero nagulat ako nung pag-alis ko ng unan ay nandoon na si Ken.






"A-anong ginagawa mo dito?!!" sigaw ko agad sa kaniya.





"Hindi ba nabanggit ni Gina? Sabay tayong magbe-breakfast ngayon." banggit niya.




"Hindi ako sasabay kumain sayo! Umalis ka na dito!" inis kong banggit sa kaniya.




"Hindi mo na ko magagamitan ng pagiging defensive mo Tata." mahinahon niyang banggit. "Tumayo ka na diyan, may pag-uusapan tayo." dagdag niya at tumayo na.




~ Pag-uusapan?? Yung tungkol ba kagabi??? Yung tungkol dun sa namagitang halik samin?? ~








"Wala tayong dapat pag-usapan Ken! Wala lang naman yung nangyari kagabi!!" banggit ko sa kaniya.





"May nangyari po sa inyo kagabi, Miss?" gulat na gulat na tanong ni Gina.





Sh*t! Nakalimutan kong nandito nga pala siya sa loob!!




Napangiti naman si Ken.





"Hindi yun ang pag-uusapan natin, Rita. Wala sa plano kong kausapin ka tungkol don kasi alam ko namang ginusto mo rin yun." nakangiti niyang sabi dahilan para mainis na naman ako.





My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon