Chapter 40

626 34 50
                                    


KEN'S POV










Tahimik akong nakatingin sa labas mula dito sa terrace ng kwarto ko. Nagdecide akong umuwi na kami dito sa Pilipinas bago matapos ang araw dahil kailangan kong icheck yung mga gamit na dadalhin ko mamaya.













Napatingin ako sa likod ko nang maramdaman ang pagyakap ni Tata.












"Ang lalim naman ata ng iniisip mo." banggit niya.











Humarap ako sa kaniya at ngumiti.










Yumakap ako sa bewang niya at tinitigan siya.












"O bakit?" tanong niya na natatawa.













"Wala naman." umiiling na banggit ko at niyakap siya.









Katatapos lang niya maligo kaya may nakalagay pang towel sa ulo niya.













"Maliligo na rin ako. Patuyo ka na ng buhok mo para makatulog na tayo agad." banggit ko at hinalikan ang noo niya bago lumayo na sa kaniya.









Kailangan niyang makatulog agad dahil kukuhanin ko pa sa guest room ang mga pinalagay kong gamit doon.












Nakahiga na siya nung matapos akong maligo. Malamang na napagod din talaga siya sa pamamasyal namin kanina.








Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko sa side table. Itetext ko sana si Benjie nung maramdaman ko ang yakap ni Tata mula sa likod ko.













"O, akala ko tulog ka na." banggit ko.











"Hinintay talaga kita." banggit niya kaya napangiti naman ako.










Natigilan ako bigla at napalunok nung halikan niya ang balikat ko paakyat sa leeg ko.










"Ta?"












"Hmm?" tanong niya habang patuloy sa ginagawa niya.









Napapikit ako nang mariin nung ipasok niya sa loob ng sando ko ang kamay niya.









Sh*t! Never sumagi sa isip ko na siya ang mag-i-initiate nito.











Napamulat ako nung ihiga niya ko at pumaimbabaw sakin.













"Hayaan mo namang makabawi ako sa lahat ng mga ginawa mo para sakin ngayong araw." nakangiting banggit niya.












Napangiti ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko nung tanggalin niya ang damit niya. Tinulungan niya kong maupo at siya rin ang nagtanggal ng sando ko.










"Alam mo kung ano ang pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko?" tanong niya at pinulupot ang braso niya sa batok ko. Sh*t! Gusto ko na agad siyang sunggaban ngayon dahil ang sexy ng pagkakatanong niyang yun. Inaakit niya ko.











"Ano?" nakangiting tanong ko at hinawakan ang bewang niya.













"Ikaw." banggit niya dahilan para mawala ang mga ngiti ko. "Ikaw ang pinakamagandang regalo sa lahat." seryoso niyang sabi. "I love you."













My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon