Bonus Chapter: Her Surprise

591 38 22
                                    

RITA'S POV

Nagising ako dahil sa halik sa sentido ko.





"Good morning, Love." nakangiting bati niya. "Nagprepare ako nang almusal mo. Gusto mong dalhin ko na dito?" tanong niya.


Inistretch ko yung kamay ko. Yumukod naman siya at nagpayakap sakin.



"Happy Wedding Anniversary." bulong ko na ikinatawa niya nang mahina.








"Happy Anniversary, Love." bulong din niya at hinalikan ang leeg ko bago siya umupo nang ayos. "Uuwi ako agad mamaya after nang meeting ko kay Mr. Falcon." banggit niya at hinalikan ang labi ko. "Kaya mo na ba talaga? Okay lang ba talaga na iwan kita?" alalang tanong niya.




Tumango ako at nagpatulong sa kaniyang umupo.





"Okay lang ako. Sinat na lang to. Pasensiya ka na huh. Hindi tuloy tayo nakapagcelebrate nang Anniversary natin dahil sa sakit ko."
banggit ko.








Ang totoo, 2 days na ang nakalipas nung first wedding Anniversary namin. Pero dahil pabalik-balik ang lagnat ko, mas pinili na lang ni Ken na dito na lang kami sa bahay. Planado na ni niya ang trip namin sa New Zealand para sana magcelebrate doon, pero hindi natuloy dahil sa pagkakasakit ko.




"Okay lang yun noh. Mas mahalaga pa rin ang health mo." banggit niya at niyakap ako. "Pagaling ka na, huh." malambing niyang sabi at hinalikan ang tenga ko bago ako bitawan sa yakap na yun.






Tumango ako.



"Sige na, lumakad ka na. Baka ma-late ka pa." banggit ko.




"May gusto ka bang pasalubong?" tanong niya.




"Gusto ko nang buko pie. Yung legit na buko pie sa Laguna. Dun daw may pinakamasarap na buko pie eh." banggit ko.



Ngumiti naman siya at pinisil nang magaan ang pisngi ko.




"Sige, uuwian kita ng buko pie mamaya." nakangiting banggit niya kaya mas napangiti din ako.





"Pogi, gusto ko rin nang dried Mangoes. Yung may coated nang chocolate. Napanood ko sa TV meron daw nun eh." malambing kong request sa kaniya.





"Don't worry, hahanap ako nun mamaya." nakangiting banggit niya.





"Thank you!" banggit ko at yumakap sa kaniya.





"Sige na. Ipapadala ko na dito ang pagkain mo." banggit niya at hinalikan ang ulo ko bago bumaba nang kama. "Magpapahinga ka nang ayos mamaya para mas gumaling ka agad, huh." paalala niya.





Tumango naman ako habang nakangiti.





"Good. I love you." banggit niya at hinalikan ang labi ko.




"I love you too." nakangiting banggit ko.





"I love you more." nakangiting sambit niya at pinindot ang ilong ko. "Kita tayo mamaya, Love." aniya at kumaway na sakin bago lumabas nang kwarto.






Humiga ako uli at pumikit dahil ang totoo, nananakit talaga ang ulo ko. Ayoko lang siyang mag-alala kaya nagpanggap ako na walang dinaramdam.






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon