RITA'S POV
"Ken, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami. Bigla na lang kasi niya sinabi na may pupuntahan kami.
"May kikitain tayo na dating kakilala, Ta." banggit niya.
"Sino?" tanong ko.
Nahihiwagaan talaga ko sa mga kinikilos niya. Bakit parang may mali sa kaniya? Parang masyado naman siyang seryoso? Sino ba talagang kikitain namin?
"Nandito na tayo." banggit niya dahilan para tignan ko yung bahay na hinintuan namin.
Napansin ko ang paggalang ng mga tauhan niya sa kaniya.
Bakit may tauhan siyang nagbabantay sa bahay na yun? Sino ba talaga ang kikitain namin?
Pinisil ko ng magaan ang kamay niya dahilan para tignan niya ko.
"Sino ba talagang kikitain natin?" pangungulit ko. Hindi niya kasi sinagot yung tanong ko kanina eh.
Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"Malalaman mo din." banggit niya at dinala na ko papunta dun sa pinto.
Kinakabahan naman ako. Sino kaya yun?
Dinala niya ko sa loob ng bahay at nagulat sa nakita ko.
"Manang Violy?!!" masaya kong banggit dahilan para tignan niya ko.
"R-Rita?" gulat din niyang banggit.
Agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. Grabe! 2 years ko na siyang hindi nakita!! Namiss ko siya ng sobra!!
"Manang!!!" masaya ko pa ring banggit at mas niyakap siya.
Pagtanggal ko ng yakap na yun ay agad niya kong tinignan.
"B-bakit ka nandito?" tanong niya.
"Nagbakasyon po kami ni Ken." nakangiti kong sabi. "Kamusta na po kayo? Nandito na po pala kayo. Hindi na po kasi tayo nagkita mula nung mawala sila mommy't-daddy." banggit ko dahilan para tignan niya ng makahulugan si Ken.
Seryoso namang umiling si Ken kaya nagtaka ko.
"Bakit po?" tanong ko kay Manang.
Pinagmasdan niya ko at nagulat na lang ako nung bigla siyang umiyak.
"Sorry iha. I'm sorry." umiiyak niyang sabi.
"Bakit po manang? Bakit po kayo nagso-sorry?" tanong ko pero niyakap niya lang ako ng mas mahigpit.
"Patawarin mo ko." hagulgol niya.
"Para saan po?" nagtataka ko talagang tanong.
Inilayo niya ko ng konti at hinawakan ang pisngi ko.
"Mas nagiging kamukha mo na ang mommy mo, iha." umiiyak niyang banggit dahilan para ngumiti ako.
"Masaya po talaga ko na nakita ko na uli kayo. Ang tagal po nating hindi nagkita manang." masaya kong sabi at pinunasan ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...