RITA'S POV
"Miss, kailangan niyo pong pumasok sa office ngayon. May mahalaga pong investor na pupunta sa company. Kailangan po kayo sa office." banggit ni Benjie.
"Wala akong pakialam! It's either, sasama ka sakin o maiiwan ka dito, Benjie! What's your choice?" matigas kong tanong habang inalagay sa bag ko ang ilang damit ko.
Nakapag-decide na ko! Hahanapin ko si Ken sa mga lugar na napuntahan namin outside the country!
"Miss, pwede naman po nating hanapin si sir sa ibang araw, kailangan po talaga kayo ngayon sa company." banggit niya.
"Hayaan mo sila, Benjie! Isang linggo nang wala si Ken! Wala siya sa lahat ng mga properties niya! Wala rin siya sa mga madalas niyang puntahan dito!" inis kong banggit. "Mababaliw na ko kakaisip kung saan ko siya makikita!! Hahanapin ko siya! At ibabalik ko siya sa company na yun! Siya ang deserving dun! Siya lang ang may kayang magpatakbo ng company na yun!!" banggit ko at sinuot na ang backpack ko. "Kung hindi ka sasama, fine! Kaya ko siyang hanapin mag-isa!" banggit ko at naglakad na papunta sa pinto ng kwarto ko.
"Sasama po ako, Miss. Hindi ko po kayo pwedeng pabayaan. Nangako po ako kay sir na babantayan ko kayo." banggit niya dahilan para tignan ko siya.
"Feeling ko, alam ko na ngayon kung bakit ka loyal na loyal sa taong yun." banggit ko at lumabas na rin ng kwarto ko.
Hindi ko siya mahanap sa mga lugar na madalas niyang puntahan dito sa Pilipinas.
Siraulo talaga yung lalaking yun!! Itinransfer din pala niya sa pangalan ko ang lahat ng properties niya! Bwisit talaga siya! Bakit ba siya nagdesisyon ng ganun?! Patay talaga siya sakin kapag nakita ko siya!
Magbabakasakali akong nasa ibang bansa siya. Hahanapin ko siya sa mga lugar na pinuntahan namin noon! Baka sakaling makita ko siya doon.
------------------------------------
"Miss, kumain na po muna kayo. Kaninang umaga pa po kayo hindi kumakain." banggit ni Benjie dala-dala ang pagkain ko.
Nandito na kami sa eroplano at papunta sa Greece. Baka sakaling nasa Athens siya.
"Wala akong gana, Benjie." banggit ko. "Hindi ko alam kung makikita ba natin siya dun eh. Bwisit talaga yung lalaking yun! Lahat ng properties niya binigay niya sakin?! Saan siya titira?? May dala bang pera yun?? Baka wala siyang makain ngayon? Nakakainis naman talaga eh! Pati number niya out-of-reach na rin!" banggit ko at naglunas ng luha. "Nag-aalala ko baka napapabayaan niya ang sarili niya eh." banggit ko at marahas na pinunasan ang luha ko.
"Miss, sigurado po akong hindi pinababayaan ni sir ang sarili niya. Kaya ganun din dapat kayo. Sabi niya po sakin pilitin ko po kayong kumain sa tamang oras. Malalagot po ako kay sir kasi nag-skip po kayo ng breakfast dahil sa byahe nating to." banggit niya. "Kaya sige na po. Kumain na po kayo." aniya.
Bumuntong-hininga ko at kinuha yung nasa cart niya para kumain.
Alam kong magagalit nga si Ken kapag hindi ako kumakain sa tamang oras. Gusto kong kapag nagkita kami, ako lang ang may karapatang magalit sa kaniya!
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...