Chapter 7

430 34 12
                                    


BENJAMIN'S POV




Napaayos ako nang tayo nung lumabas sa kwarto ni Ms. Rita si sir.









"Sir," magalang kong banggit nung makita siya.








"Call Anthony. Tell him that I'm going to South Korea, may business trip ako don. Aalis ako mamayang gabi." mahina niyang sabi at dumiretso na sa paglalakad.







I can feel something wrong with him. Napatingin ako sa kwartong pinanggalingan niya. Ano na naman bang ginawa ni Miss sa kaniya? Excited pa siyang pumunta sa kwarto niya kanina ah. Pinahanda niya ang mga paborito ni Miss dahil sasabay siyang kumain sa kaniya, kaya anong nangyari? Bakit parang malungkot siyang lumabas?








Ang alam ko, pag-uusapan nila yung pagta-trabaho ni Miss sa company, pero bakit ganun na lang ang reaksyon niya paglabas niya?










Kinuha ang cellphone ko't tinawagan si Anthony, ang private pilot ni sir.










(Yo, Benjie)










"May business trip daw si sir sa South Korea mamayang gabi," banggit ko.










(Ha? Business trip? Si sir??)










Normal lang na magulat siya sa sinabi ko kasi kahit ako din naman medyo nagulat nung sinabi yun ni sir.








(May nangyari ba? Ayaw na ayaw kaya ni sir umalis ng bansa mula nung tumira diyan si Miss. Laging ibang tao ang pinadadala niya kapag may business abroad di ba? Anyare dude?)









"Hindi ko rin alam ang detalye eh. Mukhang may pinag-usapan silang hindi niya nagustuhan. Parang may nasabi si Miss para gustuhin na lang muna niyang lumayo sa kaniya." mahina kong sabi.







First time to. Unang beses na mas pinili niyang lumayo kay Miss. Malayong-malayo.












(Nag-away kaya sila?)









"No idea dude. Sige na, pa-ready na ang private plane ni sir, huh." banggit ko.













(Okay, sige) aniya't in-end na ang call.










Pagbaba ko ay napansin ko si sir sa sala kaya dumiretso ako papunta sa kinaroroonan niya.










"Sir." magalang na banggit ko at tumayo sa gilid niya.












"Monitor her. Update me everyday." sambit niya. "Make her ready to work in the office within a month." dagdag niya.









"Ako sir?" gulat kong tanong.









"You will stay here. Wala akong ibang pwedeng pagkatiwalaan na magbantay at magturo kay Rita nang tungkol sa company bukod sayo. Ituro mo lahat ng mga nalalaman mo sa kaniya hanggang sa maging ready na siya magtrabaho sa company." banggit niya.








Pero bakit ako? Hindi ba dapat siya ang gagawa nun?? Yun ang alam kong plano niya eh. Ang alam ko, siya mismo ang magtuturo kay Miss ng mga tungkol sa company kaya paano ako nasali dito??









My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon