Chapter 27

527 34 18
                                    

RITA'S POV


Maaga kami nagising ni Ken para maghanda sa paghike sa Acropolis. Ang sabi niya kasi ay wala daw ibang transportation para makaakyat doon kaya kailangan naming mag-hike sa hill na yun.


Okay lang naman sakin dahil 10-20 minutes hike lang naman daw ang gugugulin para makapunta sa taas no'n kung saan nakatayo ang Parthenon.

Nang dumating ang breakfast namin ay sabay na rin kaming kumain at itinigil muna ang pag-aayos ng mga gagamitin namin.



Pagbaba namin sa lobby ay may isang mukhang pinoy na lumapit samin.



"Mr. Chan." nakangiting banggit niya.






"Julius." nakangiting banggit din ni Ken.



"Pinoy?" tanong ko kay Ken.




"Yes, Miss." banggit nung lalaki dahilan para mapatingin ako sa kaniya.


"Julius is one of those exchange students na tinutulungan ng company para sa mga expenses nila sa pag-aaral." banggit ni Ken.




"Wow. Talaga? Ang galing naman!" nakangiting banggit ko.




"I will be your tour guide, Miss. Itututo ko po yung pinakamalapit na way para mabilis kayong maka-akyat sa Acropolis." nakangiti niyang sabi.


Kyaaah!! Mas na-excite tuloy ako!! Hihihi.



"Mabilis lang talaga tayong makakapunta don?" tanong ko kay Julius nung naglalakad na kami.




"Opo Miss. Malapit lang naman po kasi tong Plaka sa Acropolis. Mga more or less 20 minutes na lakaran lang po, nandoon na po tayo. Naka-base din po kasi yun sa bilis o bagal ng pag-hike natin." nakangiting banggit niya.



"Ahh.. so malapit lang talaga." nakangiti kong sabi. "Teka, ilang taon ka na dito?" tanong ko. Mukha kasing matagal-tagal na rin siya dito eh.






"Dalawang taon po, Miss." sagot niya.



"Ang tagal na rin pala. Mahirap tumira dito?" tanong ko.


"Rita, parang masyado nang personal ang mga tinatanong mo." banggit ni Ken.




"Gusto ko lang naman malaman." banggit ko.






"Medyo po, Miss. Mahirap po kasi malayo sa pamilya, pero kinakaya naman po. Wala naman po sigurong lugar na hindi mahirap tirahan lalo na kung hindi ka po don lumaki." magalang at nakangiting sagot ni Julius.





"Sabagay. Buti kinakaya mo." banggit ko.





"Nakakasanay din naman po. Saka kailangan din po kasi para sa pamilya ko." banggit niya.




Tumango-tango naman ako.





Napausod ako bigla nung biglang sumingit sa gitna namin si Ken at inakbayan ako.





Tinignan ko siya at tinignan naman niya ko ng seryoso. Natawa tuloy ako.




Seloso! Hahahahaha.

Nagtuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang post doon kung saan nagbabayad ng entrance fee paakyat sa Acropolis.





My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon