Chapter 28

515 34 20
                                    


RITA'S POV


"Ta, uy Ta!" banggit niya pero dire-diretso lang ako papasok dito sa hotel.





Matapos kong bilhin yung mga items na napili ko ay mabilis akong naglakad paalis doon sa store na yun papunta dito sa hotel.





"Ta." banggit pa rin niya at nilapitan ako dito sa elevator pero lumayo lang ako sa kaniya at pumunta sa kabilang gilid.





Napabuntong-hininga na lang siya dahil meron na ding pumasok sa iba pang guest dito dahilan para hindi na siya nakalapit sakin.






Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto namin pero na kay Ken ang card para mabuksan iyon kaya humarap ako sa kaniya.







"Buksan mo yun pinto!" utos ko sa kaniya.





"Ta, mag-usap naman muna tayo." banggit niya. "Hayaan mo naman muna akong mag-explain."





"Sabi ko, buksan mo yung pinto!" galit kong banggit sa kaniya.








Wala siyang nagawa kundi ang buksan yung pinto. Mabilis akong pumasok doon at ipinatong sa gilid ng kama ang pinamili ko.






Tinanggal ko ang sapatos ko at humiga sa kama.










"Ta, uy." banggit ni Ken kaya kinuha ko yung kumot at tinaklob sa sarili ko.






Masama ang loob ko sa kaniya! Ang lakas ng loob niyang sabihin na mahal niya ko nung mga bata pa kami, yun pala may kalandian siya noon! Bwisit! Nakakainis!!




Oo na, maganda nga yung babae. Sexy saka sophisticated. Kahit sinong lalaki magkakagusto sa kaniya!! Para siyang modelo sa ganda niya.





Napunasan ko ang luha ko nung tumulo iyon. Buti na lang at nakataklob sakin yung kumot kaya hindi niya makikitang umiiyak ako. Nakakainis kasi eh!! Bwisit siya!!




Palusot lang ba niya na isinama mo dito para makita niya yung babae niya?! Sobrang sweet pa naman niya kagabi tapos makikipaghalikan lang pala sa iba!! May pasabi-sabi pa siyang Mahal niya ko tapos may kachukchakan pa lang iba!!!











Natakpan ko ang ilong at bibig ko nung mapasinghot ako bigla.








"Ta, umiiyak ka?" alalang tanong ni Ken at naramdaman ko rin ang pagsampa niya sa kama.






----------------------------------

KEN'S POV






Hindi ko talaga alam kung ano nang gagawin ko para makausap ko si Tata. Galit na galit na naman siya sakin.





Hindi ko naman kasi talaga inasahan na makikita ko do'n si Eunice eh! Sa lahat ng lugar bakit doon pa?!! Bakit nung kasama ko pa si Tata?!! Bwisit!!






Nakilala ko si Eunice noon nung nasa college ako. Nagkita kami sa isang bar noon. Masama ang loob ko non kaya naisipan kong uminom nung gabing yon. Nilapitan niya ko no'n at binanggit niya sakin ang mga kagaguhang ginawa ng ex-boyfriend niya.




Lasing na lasing na siya nun kaya kung anu-ano na lang ang pinagbabanggit niya. Nagulat na lang ako nung bigla niya kong halikan no'n at dun nag-start ang malanding ugnayan namin. Oo, alam kong nagkamali ako nun. Masama kasi talaga ang loob ko kaya every night nagkikita kami para pagaanin ang loob ng isa't-isa.





My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon