KEN'S POV
Naghintay ako ng halos isang linggo para lang makuha ang resulta ng DNA test namin ni tita. Buti na lang talaga at hindi ko na pinagalaw ang mga gamit na naiwan sa bahay nila kaya nandoon pa ang mga gamit nila dati.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ko. Ano kayang resulta?
Parang hindi na rin ako makahinga ng ayos dahil sa sobrang kaba."Mr. Chan." banggit nung doctor na nagtest samin. "Eto na yung resulta ng test." banggit niya at binuksan yung envelope na dala niya.
Tinignan niya iyon at tumingin sakin.
"I'm sorry sir, pero lumabas po sa resulta na 0% match po kayo kay Mrs. Rosanna Iringan. Meaning, negative po ang result. Hindi niyo po siya nanay." banggit niya dahilan para mas makahinga ko ng maluwag at napangiti.
Sh*t! Para kong nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga narinig ko. Hindi kami magkapatid ni Tata! Hindi kami magkapatid!! Hahahaha.
"Thank you! Thank you!" masayang banggit ko at nakipag-kamay sa kaniya bago kinuha ang resulta non.
Paglabas ko ng clinic niya ay agad kong tinawagan si Tata.
(O Ken, bakit??) takang tanong niya.
"I love you! I love you so much, Ta!" masayang banggit ko.
(O bakit may sa bigla ka ata? Nung mga nakaraan, sobrang iwas ka sakin tapos ngayon kung makapag I love you ka, wagas! Hmp!)
Natawa naman ako dahil totoong dumistansiya ko ng kaunti sa kaniya nitong mga nakaraan dahil natakot din akong malaman na magkapatid talaga kami. Buti na lang talaga, hindi!! Kailangan kong bumawi sa kaniya. Kailangan kong bayaran lahat ng mga araw na napasama ko ang loob niya.
"Kita tayo mamaya pag-uwi, Ta. Babawi ako, promise! Love you!" banggit ko at pinatay na ang call na yun.
Tinawagan ko rin si Atty. Sebastian after nang call na yun kay Tata.
(O Ken, bakit?)
"Pupunta tayo sa presinto. May idadagdag ako sa kaso nung hayop na Victor Dela Cueva na yun!" banggit ko.
Gusto kong isampal sa mukha niya ang resulta ng DNA test na to! Hayop siya! Sinungaling siya!! Muntik pang maapektuhan ang pakikitungo ko kay Tata dahil sa kaniya!!
--------------------------------------
Nasaktuhan din na nandito ang Atty. ni Victor kaya tamang-tama ang punta namin.
Dinala kami ng mga pulis sa kinaroroonan nila.
"O, next time na saktan mo pa ang client ko, magppress din ako ng charges against you!" banta niya sakin.
"Wala akong pakialam!" galit na banggit ko.
"Ken," awat ni Atty. Sebastian.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...