RITA'S POVHalos isang linggo akong nagkasakit kaya wala akong ginawa kundi ang magstay lang dito sa kwarto ko. Nagpapabalik-balik kasi ang lagnat ko. Nag-negative naman ako sa dengue kaya kahit papaano ay nakahinga si Dr. Aquino.
Kahapon pa maganda ang pakiramdam ko pero hindi pa ko pinayagan ni Benjie na pumunta sa South Korea. Doon ko naman hahanapin si Ken. Baka nandoon siya sa bahay niya dun.
Naging mas strict si Benjie nitong mga nakaraan dahil sa pagkakasakit ko. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari sakin. Dahil daw sa pagiging maluwag niya kaya ako nagkasakit kaya eto siya ngayon at talagang bantay-sarado ako.
Hindi na umuubra sa kaniya ang pag-skip ko ng meals. Tipong kahit wala akong gana ay kailangan kong kumain dahil pagagalitan niya ko. Fewling ko kuya ko siya kapag nagagalit siya sakin. Lagi niyang binabanggit sakin ang mga sinabi sa kaniya ni Ken. Alam niyang kapag yung lalaking yun na ang usapan, tumitiklop na ko.
Pagdating namin sa South Korea ay agad kong hinanap si Ken sa bahay niya. Lahat ng kwarto ay pinuntahan ko para lang makita siya, pero wala din siya dito.
Pumunta din kami sa mga lugar na pinuntahan namin dito sa Seoul pero wala din siya sa mga yun.
Ngayon, nandito naman kami sa Nami island. Nahinto ako sa paglalakad nang maalala kong ito ang eksaktong lugar kung saan ko ipinagsigawan kay Ken na mahal ko siya.
Parang nakikita ko ang itsura ni Ken nung time na nagconfess ako. Kung alam ko lang na aalis siya, sana mas maaga ko na sinabi na mahal ko siya. Sana mas maraming beses ko pa pinaramdam na mahalaga siya sakin.
Napahawak ako sa leeg ko para hawakan ang kwintas na bigay niya, pero... wala yung kwintas na bigay ni Ken.
Napahawak ako sa palibot ng leeg ko, pero wala talaga kong makapa'ng kwintas!
Agad akong umupo para hanapin sa lapag iyon. Baka nalaglag lang yun dito.
"Miss?" banggit ni Benjie at nilapitan ako.
"Benjie, nawawala yung kwintas ko." banggit ko sa kaniya at ipinagpatuloy na ang paghahanap.
Mahirap kasi maraming mga gingkgo leaves na nasa sahig.
"Miss, tumayo na po kayo. Madudumihan po kayo eh." banggit ni Benjie pero inalis ko lang ang kamay niya.
"Benjie, kailangan ko yung makita! Hindi yun pwedeng mawala!!" inis na banggit ko at lumipat ng pwesto para maghanap.
"Miss, ipahahanap ko na lang po yun sa mga tao natin. Tumayo na po kayo." banggit niya at pinatayo na ko.
"Benjie, hindi yun pwedeng mawala. Regalo sakin ni Ken yun. Mahalaga sakin yun." banggit ko na naiiyak na.
Isa yun sa mahahalagang alaala ni Ken sakin. Hindi yun pwedeng mawala!!
"Miss, ipahahanap ko po yun." banggit niya at sinenyasan ang mga tauhan niya na maghanap.
Pinaupo niya muna ako sa isang tabi habang busy sila sa paghahanap.
Ilang oras na sila naghahanap pero wala pa rin silang nakikita.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...