Chapter 33

522 33 15
                                    

KEN'S POV








"Sir." banggit ni Benjie at nagulat nung makita niya ko.








Napatingin ako sa damit ko. May talsik ng dugo doon.









Agad siyang kumuha ng damit ko para makapagpalit agad ako.
















Nag-abot din siya sakin ng tubig at alcohol para matanggal ang dugo sa kamay ko.












"Sir, ano pong nangyari?" tanong niya.













"Binuwisit ako nung taong yun kaya tinuruan ko lang ng leksyon." banggit ko. "Tara na. Baka hinihintay na ko ni Rita." banggit ko at pumasok na rin sa kotse.














Naikuyom ko ang kamao ko habang nasa daan kami pauwi.









Hindi ko nga kapatid si Rita, pero hindi rin ako pwedeng ikasal sa kaniya dahil sa Last Will and Testament ni sir!! Kaya pala!! Kaya pala galit na galit siya noon sakin nung sinabi kong gusto kong hingin ang kamay ni Tata sa kanila!!











Napapikit ako at napasandal sa upuan.





















"O Ken, anong ginagawa mo dito?" tanong ni sir nung makita niya ko dito sa sala.













"Sir, balita ko po kasi na pauuwiin niyo na daw po si Rita. Totoo po ba?" nakangiting anong ko.












"Oo. Gusto kong makatulong siya sa company." banghit niya kaya mas nakaramdam ako ng saya sa puso ko.










Sa wakas! Makikita ko na uli si Tata!












"Sir, tutal naman po okay na ang company. Stable na naman po yon. Okay lang po ba hingin ko ang kamay ni Tata sa inyo?" nakangiting banggit ko pero sinamaan niya ko ng tingin.














"Anong sabi mo?" tanong niya.











"Gusto ko po sanang pakasalan si Rita." banggit ko at naguluhan nung bigla siyang tumawa.










"Ikaw? At si Rita?? Hahahahaha. Huwag mo kong pinatatawa, Ken." banggit niya at bigla akong tinignan ng matalim. "Hindi sa isang tulad mo mapupunta ang anak ko! Siguro nga malaki na ang ipinagbago ng buhay mo mula nung umalis ka dito. Mas yumaman ka, mas naging matalino. Kaya kong ipaubaya sayo ang kumpanya dahil alam kong mapapalago mo ng ayos yon." banggit niya at tinignan akong maigi. "Pero hindi no'n mababago ang nakaraan mo! Hindi ko ibibigay ang anak ko sa isang tulad mong pinagsawaan na ng ibang tao!" galit niyang banggit. "Kaya tigilan mo ang pantasya mo sa anak ko Ken! Tigilan mo ang kaka-asa na makakasama mo siya! Hindi ka deserving sa kaniya!!"









Bigla akong napaayos ng upo dahil don. Napahawak ako sa ulo ko.










Panaginip!! Isa sa mga pangyayari noon na pilit kong kinalimutan!











"Sir, okay ka lang po?" tanong ni Benjie.












"Y-yeah." banggit ko at isinandal uli sa upuan ang ulo ko.












My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon