KEN'S POVKinagabihan ay pinatawag ko siya para sa dinner. Nung una nagmatigas pa siya pero nung sunduin na siya nila Benjie ay wala na rin siyang nagawa.
Gusto kong maintindihan niya na kapag naging boss na niya ko ay hindi na pwede sakin ang mga inaakto niya. Oo, pagsisimulain ko na siyang magtrabaho sakin. Kailangan ko na siyang dalhin mismo sa field para mas maintindihan niya ang mga pinaaaral ko sa kaniya.
"Maupo ka na." ma-awtoridad kong utos pero tinignan niya lang ako ng masama.
Kung gusto ko siyang matuto, kailangan niyang matutong sumunod sakin kaya tinignan din ko rin siya ng masama. Gusto kong ipakita sa kaniya kung ano ang dapat ugali ng isang boss!
"Maupo ka na Rita kung ayaw mong pakainin kita ng nakatayo!" matigas kong banggit sa kaniya.
Nakipaglaban siya ng talim ng titig pero kalaunan ay sumunod na rin sakin.
"Anong kailangan mo sakin?!" galit niyang tanong sakin.
"Hinaan mo ang tono mo sa harap ko Rita." banggit ko habang nakatingin sa kaniya.
"Paano kung ayo-!" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinampas ko ng malakas ang table at galit na humarap sa kaniya habang nakatayo.
"Aayusin mo ang pakikipag-usap sakin!" matalim ang matang banggit ko dahilan para makita kong gumuhit ang kakaibang takot sa mga mata niya.
Dapat lang na matakot siya sakin dahil hindi ako magpapasindak sa kaniya! Panandalian kong isasantabi ang nararamdaman ko sa kaniya para umayos ang pakikitungo siya sakin. Ngayon, hindi ako si Ken na nagmamahal sa kaniya, bagkus ay si Ken na magiging boss niya!
Mukhang effective naman ang ginawa ko dahil bigla siyang natahimik at napatingin sa ibang direksyon kaya muli na kong naupo.
"Magta-trabaho ka na sa office bukas." seryosong banggit ko.
"Ano?!" sigaw na naman niya sakin dahilan para samaan ko siya uli ng tingin.
Muli naman niyang iniwas ang tingin niya sakin.
"Sa office? Bukas?" tanong niya na mas mahina na ang boses.
Tsss... Kailangan ko talaga siyang gamitan ng ganito para lang sumunod siya sakin? Para lang umayos siya?! Tsss!!
"Yes. Di ba sabi ko patutunayan mo sakin ang sarili mo sa loob ng apat na buwan?" seryoso kong sabi. "Seryoso ko don Rita." mariin kong sabi.
"So magiging boss na talaga kita?" tanong niya at tumingin sakin.
"Yes, at bilang boss mo, gusto kong umakto ka ng tama sa harap ko. Hindi ako CEO ng isang malaking kumpanya para lang sa wala, Rita. Matuto kang lumugar." mariin kong banggit sa kaniya.
"Hindi pa ko pumapayag na maging empleyado mo, Mr. Chan! Kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan!" matigas niyang sabi.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...