RITA'S POV"Wow, ang ganda dito!!" nakangiting banggit ni Tata habang nakatanaw sa magandang view mula dito sa bahay ko. "Ang ganda ng lugar ng bahay mo dito huh." nakangiti niyang sabi.
"Gusto mong maglakad-lakad sa labas?" nakangiting tanong ko dahilan para tignan niya ko. "Ngayong buwan yung best month para mamasyal kasi mas okay ang temperature sa labas. Though gabi na, marami pa rin namang makikita dito." sambit ko.
Ngumiti siya at lumapit sakin.
"Tara?" nakangiting tanong ko at inilahad ang kamay niya.
Yumakap siya sa braso ko at hinila na ko.
Paglabas namin ay naglakad-lakad kami.
"Kakaiba talaga yung lamig dito noh? Walang-wala ang lamig ng Baguio, hahaha." natatawang banggit niya habang nakapulupot sa braso ko.
"Kung magsalita ka naman parang hindi ka tumira dati sa US, hahahaha." banggit ko dahilan para matawa siya at pinanggigilan yung braso ko.
Nagpunta kami dito sa isang sikat na night market at nagtitingin ng mga pwedeng mabili.
"Ken tignan mo oh, ang cute!" banggit niya at sinuot ang isang bunny hat.
Usong-uso yon ngayon dahil sa mga kpop idols.
"Ang cute di ba? Ikaw rin oh." nakangiting banggit niya at sinuutan ako.
Natawa naman ako ng mahina at pinindot yung bilog na part nung laylayan dahilan para gumalaw yung tenga nung bunny.
"Oh!!" mangha niyang sabi kaya mas napangiti ako.
Agad kong binili yung mga bunny hat na yun.
"Hi Kennie!" banggit niya na iniba pa yung boses habang nilalato yung bunny hat niya.
Natawa ko at kinuha na ang kamay niya bago kami nagtingin-tingin pa ng mga pwedeng mabili.
Tumingin ako sa relo ko. Masyado pang maaga para sa surprise ko kaya magandang maglibot-libot na muna kami ngayon.
Nang mapagod kami ay umupo kami sa isang park dito.
"In fairness, ang dami pa ring tao. Akala ko 9pm tulog na sila eh." banggit niya na ikinangiti ko.
"Naku Ta. Buhay na buhay pa ang mga tao dito kapag ganung oras noh, haha.. Baka sa North yung tinutukoy mo." banggit ko dahilan para kurutin niya ko.
"Akala ko lang naman eh." banggit niya.
Natawa naman ako.kasi ang cute niya mainis hahaha.
"Gusto mo nang kumain?" natatawang tanong ko.
Bigla siyang napangiti.
"Yiieeehh.. Natuwa nung makarinig ng pagkain, haha." natatawang banggit ko dahilan para hatawin niya ko.
"Siraulo!" banggit niya dahilan para mas matawa ko at tumayo na.
"Tara!" nakangiting banggit ko at inilahad na ang kamay ko sa kaniya.
Kinuha niya yun at tumayo na rin.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...