KEN'S POV
Grabe, sobra talagang impressive ng bilis niya sa pagta-type. Sauladong-saulado niya ang pwesto ng mga letters sa keyboard.
Napangiti ako dahil sobrang focused niya sa pagta-type. Mas lalo tuloy siyang nagiging maganda. Ang sarap tuloy niyang titigan.
Light lang ang make-up niya pero sobrang attractive talaga niya. Kahit naka-side view hindi nakakasawang titigan.
"Rita." banggit ko.
"Bakit?" tanong niya at kumunot ang noo habang patuloy na nagta-type.
Sinabi kong bibigyan ko siya ng reward kapag nakatapos siya bago mag 9am pero parang mas gusto ko munang bigyan ng reward ang sarili ko.
Hinalikan ko ang pisngi niya dahilan para bigla niya kong hatawin na ikinatawa ko naman.
"Ano bang problema mo huh?!" inis na naman niyang banggit.
"Hindi ko lang napigilan." banggit ko habang nangingiti.
Alam kong hindi siya galit sa ginawa ko. Naiinis lang siguro siya haha. At nakakatawa yung itsura niya kapag ganitong bwisit siya sakin.
Mas gusto ko talaga yung ganitong okay kami. Kahit bwisit siya sakin, alam kong hindi siya galit. Kita ko yun sa mga mata niya.
"Ano ba?!" inis pa rin niyang sabi nung niyakap ko naman siya.
God! Kung alam lang niya kung gaano ako nasaktan kahapon sa mga sinabi niya noh? Gusto kong yakapin siya para tuluyang mawala yung sakit na naramdaman ko kahapon!
"Ano ba Ken?!" banggit niya at nagpupumiglas sakin.
Binitawan ko siya dahilan para hatawin niya ko uli.
"Ano bang problema mo huh?! Umalis ka nga dito!!" utos niya dahilan para bigla akong umayos ng upo at samaan siya ng tingin.
Bigla naman siyang napaiwas ng tingin sakin.
"Kung anu-ano kasing pinaggagagawa mo eh! Nagtatrabaho ko dito ihh." mataray pero mahina niyang sabi.
Sobra nga yata akong masaya dahil nandito siya sa office ko kaya naiinis siya sakin.
"Look at me." banggit ko dahilan para sundin niya ko.
Sorry Tata. Masaya talaga kong kasama kita ngayon.
Hinawakan ko ang pisngi niya at dinampian siya ng halik sa labi bago bumalik na rin sa table ko habang nakaupo sa swivel chair.
Sinilip ko siya at napangiti dahil nakuyom niya ang kamay niya bago muling bumalik sa ginagawa niya. Hahahaha. Alam kong gusto na niya kong sigawan dahil sa ginawa kong yun pero hindi niya magawa dahil may takot din siya sakin, hahahaha.
Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti dahil nahalikan ko rin siya kanina nung muntik na niyang makita ang wallpaper ko. Baka magulantang siya kapag nakita niya ang picture niya dito. Buti na lang talaga at naagapan kong hindi niya makita yun.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...