KEN'S POV(Hindi mo na ba sasabihin sa kaniya ang totoo? Napatunayan mo na ngayon na biktima lang din ang mommy niya sa nangyari)
"Hindi ko talaga alam Atty. Minsan gusto ko nang sabihin sa kaniya pero natatakot kasi ako sa reaksyon niya eh. Nakwento ko na naman sayo yung tungkol sa balak ko sanang pagsasabi sa kaniya ng totoo noon bago kami pumunta ng Greece di ba? Kung yun pa nga lang halos ayaw na niyang pakinggan, paano pa kaya kung malaman niyang magulang niya yung tinutukoy ko sa kwentong yun?" mahinang banggit ko habang nakatingin sa labas mula sa glass wall ng office ko. "Masasaktan pa rin siya ng sobra dun Atty." dagdag ko.
(Ken, alam mong kahit patagalin pa natin to, masasaktan at masasaktan siya. Mga magulang niya ang biktima dun kaya hindi mo maiaalis sa kaniya na masaktan sa malalaman niya)
"Nalilito talaga ko. Bigyan mo pa ko ng panahon, Atty. Hindi ko pa talaga kayang sa akin manggaling ang lahat. Hayaan mo pa kong mag-ipon ng lakas ng loob na umamin sa kaniya." banggit ko. "Hindi ko pa talaga kayang ikwento sa kaniya lahat ng mga nangyari sa mga magulang niya nung araw na yun."
(Gusto mo bang ako na ang magsabi sa kaniya?)
Bigla namang bumundol ang kakaibang kaba sa puso ko nung sinabi niya yun.
Nakarinig ako ng mahinang katok kaya napatingin ako sa table ko. Nagulat ako na nandon si Rita. Pero mukhang wala naman siyang narinig sa mga sinabi ko kay Atty.
"Tawagan na lang kita uli mamaya." bulong ko at inend na ang call na yun.
---------------------------------
RITA'S POV
Hindi ko alam kung bakit pero parang may inililihim na naman sakin si Ken. Parang may kakaiba na naman sa mga ikinikilos niya. Halos isang linggo na pero parang busy'ng-busy siya sa ginagawa niya. Lagi siyang may kausap.
May ibang babae kaya siya?
Kinatok ko yung table niya dahilan para mapatingin siya sakin. Nandun siya malapit sa glass wall ng office niya.
Nagpaalam siya sa kausap niya at humarap sakin.
"Bakit Ta?" tanong niya.
"Eto na ang mga pipirmahan mo." banggit ko at ipinatong sa table niya yung mga files na kailangan niyang pirmahan.
"Na-check mo na ang mga yan?" tanong niya at lumapit sakin.
Oo, isang linggo na mula nung pinache-check muna niya sakin lahat ng mga files na katulad nito bago niya pirmahan.
"Oo, na-check ko na yang mga yan." banggit ko. "Na-sort ko na lahat ng mga documents na ipina-aral mo sakin. Yang mga yan lang ang pumasa sa standards ko. Check mo na lang kung tama ako ng tingin sa mga yan." banggit ko at tumalikod na.
Hmp! Sakin niya pinaa-analyze yung mga files na yun tapos siya puro tawag?! Bwisit siya! May babae siguro talaga ang bruho! Grrr! Huwag lang siyang papahuli sakin kundi lagot talaga siya!! Tsss!
"Ta," banggit niya dahilan para humarap ako uli sa kaniya.
Hawak niya ang isang folder.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...