Chapter 9

473 32 14
                                    

BENJIE'S POV


"Benjie." tawag ni Miss Rita kaya agad akong pumunta sa kinaroroonan niya.





Tatlong araw na rin mula nung maging okay ang pakiramdam niya kaya katulad ng sabi ni sir ay inire-ready ko siya para sa pagta-trabaho sa office.






"Yes Miss?" magalang kong tanong nung makalapit na ko sa kaniya.








"Bakit parang hindi familiar sakin ang mga may hawak ng matataas na posisyon ngayon sa company? Sa pagkakaalala ko, mga tito ko ang may hawak nun eh." takang sambit niya at tumingin sakin.






Totoo. Mga tito niya ang may hawak ng malalaking posisyon sa company nila noon.





"Ahh... nagquit na po sila Miss." sagot ko sa tanong niya.









"Nag-quit? Dahil ba si Ken na ang namamahala sa company?" tanong niya. "Ganun talaga siya kasama para kahit mga tito ko na may matataas na posisyon sa kumpanya namin, nag-quit din para lang hindi siya makatrabaho??"







~ Hindi Miss. Napilitan po silang magquit dahil nalaman ni sir ang anomalyang ginagawa nila. Binantaan niya sila na kakasuhan sila kung hindi sila magqu-quit at ibabalik ang lahat ng mga ninakaw nilang pera sa kumpanya niyo ~





"Ahh... siguro po si sir na lang ang kausapin niyo tungkol diyan. Gusto niyo po bang tawagan ko siya?" tanong ko.






"Hindi. Huwag na. For sure naman, tama ako... yun talaga ang dahilan." sambit niya at nagbasa na lang uli.




Ilang araw ko nang tinatry na pagkausapin silang dalawa pero matigas talaga si Miss. Hindi siya kumakagat sa gusto kong mangyari. Everytime na sasabihin kong tatawagan ko si sir para siya ang makausap niya, lagi niyang sinasabing huwag na. Haaaaay... ngayon ko mas nararamdaman kung bakit madalas manakit ang ulo ni sir sa kaniya.





"Miss, tama na po muna yan. Kumain po muna kayo ng merienda." banggit ni Gina nung pumasok siya dito sa kwarto ni Miss.






Napatingin ako sa relo ko. Hala! Oo nga, oras na para kumain si Miss.





"Benjie." banggit niya dahilan para mapatingin ako uli kay Miss. "Pwede ba kong pumunta sa garden?" tanong niya habang nakatingin dun sa labas ng bintana.






Mukhang maganda nga ang panahon ngayon.






"Pwede bang dun ako sa garden magmerienda?" tanong niya at ngumiti sakin.




I was stunned. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. At ngayon ko lang nakita kung bakit na-inlove ng matindi si sir sa kaniya. Mas higit siyang maganda kapag nakangiti. Parang ang gaan-gaan ng paligid kapag nakangiti siya.







"Benjie, promise, hindi ako tatakas!" banggit niya at itinaas pa ang kanang kamay niya. "Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin." dagdag pa niya.







"Okay po Miss." banggit ko at tumango sa kaniya.





"Talaga?" nakangiti niyang tanong kaya tumango ako uli. "Tara Gina!" yaya niya sa personal maid niya at lumabas sila ng kwarto.






Agad akong sumunod sa kanila. Pagbaba nila ay hinarang agad sila ng mga bantay sa baba nung binalak nilang lumabas.




"Hayaan niyo sila." banggit ko dahilan para padaanin sila nung mga bantay.




My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon