Chapter 35

590 29 21
                                    

RITA'S POV




Napatingin ako sa pinto ng office ko nung may kumatok doon.





I rolled my eyes on him. Ano na naman bang kailangan ng taong to ngayon?! Halos araw-araw na siyang pumupunta dito sa office ko kapag free time niya.










"Special delivery!" banggit niya at tinaas ang plastic na hawak niya.








"Hindi naman ako nagpa-deliver ah." banggit ko at tumayo na.








"Hindi nga. Magla-lunch time na naman kaya kumain na muna tayo." nakangiting banggit niya at inayos yung mga dala niya.








"Parang araw-araw ka na atang hindi busy. Lagi ka kasing nandito eh, hahaha." banggit ko at umupo sa tabi niya.





"Mas gusto ko kasi tong office mo. Amoy na amoy ko dito yung pabango mo." banggit niya at hinalikan ang balikat ko.







Tinampal ko naman ang noo niya para magtigil na siya hahaha. Parang sira kasi eh! Kung anu-ano na naman ang mga sinasabi.






Kinuha ko na sa kaniya yung mga lagayan at ako ang tumapos ng inaayos niya.







Napangiti naman ako nung maramdaman ko ang yakap niya sa bewang ko. Naku!! Naglalambing na naman to, hahaha.







"O, para saan na naman yan?" natatawang tanong ko sa kaniya bago binalik ang tingin ko sa mga pagkaing inaayos ko.






"Tatanda ka na next week. Anong plano mo?" tanong niya.







Oo nga pala, birthday ko na next week haha. Medyo busy sa work eh, kaya baka mag-dinner na lang siguro kami sa bahay.








"Dinner na lang tayo sa bahay. Paglulutuan kita ng paborito mo." nakangiti kong sabi at dinampian ng halik ang labi niya.







"Ise-serve mo yung sarili mo?" tanong niya dahilan para hatawin ko siya ng malakas.








"Anong sabi mo?!!" natatawang tanong ko. "Ang bastos nito, haha."







"O, sabi mo ihahanda mo yung paborito ko eh, hahaha," natatawa niyang sabi.







"Tse! Tumigil ka! Hahaha." banggit ko at pinisil ng magaan ang ilong niya. "Lahat na lang talaga ng kalokohan mo e noh? Haha."










"Joke lang naman eh. Pero kung seseryosohin mo, pabor na pabor ako dun." banggit niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Damot talaga oh." sambit niya at nag-pout pa.







Hahahaha. Haaaaay naku talaga tong lalaking to. Kaya mas nahuhulog ako sa kaniya eh. Lagi niya kong napapatawa kahit sa mga simpleng pangungulit lang niya haha.







Yes, mahal ko na siya. Kung kelan nagsimula? Hindi na rin ako naging aware eh. Basta nagising na lang ako isang araw na hindi na siya maalis sa isip ko. Feeling ko nagsimula pa to nung nasa Greece kami? Siguro... nung nagselos ako noon kay Eunice?? Haha. O baka mahal ko na siya bago pa kami pumunta ng Greece?? Ewan!





Basta hindi ko talaga alam. Ang sigurado ko lang... mahal ko na talaga siya.






Paano mo naman kasi hindi mamahalin ang taong to, di ba? Parang ginawa na ata niya lahat para sakin eh. Mas nakita ko sa kaniya yung pagmamahal niya sakin habang magkasama kami.






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon