Chapter 21

791 37 35
                                    


RITA'S POV



Nagising ako kinabukasan na maliwanag na. Pagtingin ko sa orasan ay 10am na. Luh! Late na ko sa pagpasok!





Umupo ako at napatingin sa terrace ng kwarto. Nagulat ako na nandun si Ken at may kausap.





Totoo ba to? Bakit nandito pa siya? Saka bakit nakapambahay pa rin siya? Bakit hindi pa siya naka-suit?




Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti sakin bago kumaway. Mukhang maganda ang gising niya.




Isinenyas niya kung gusto ko nang kumain. Tumango naman ako dahil nagugutom na ko.



Tumango siya at pinatay na yung call.





Tumawag siya sa intercom at nagpadala ng pagkain.



"Hindi ka papasok sa office? Late na ah." banggit ko nung sumampa siya dito sa kama.



"Day-off ko ngayon." casual niyang banggit na ikinatawa ko.


"Day-off? Ano ka, empleyado?" natatawang tanong ko.





Ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa pisngi ko.



"Mas gusto ko dito." banggit niya at niyakap ako patagilid.



"Ken, sumosobra ka na huh. Kakasuhan na kita ng sexual harassment." biro ko.





"Sige, kung kaya mo." aniya at hinalikan ang sentido ko pababa sa pisngi ko.





Patuloy siya sa paghalik sa pisngi ko papunta sa tenga ko kaya nakikiliti ako. Napapalayo tuloy ako sa kaniya. Hahaha.





"Ken!" natatawang banggit ko dahil patuloy pa rin siya sa paghalik doon. Para lang siyang nanggigigil na humahalik sa baby kaya tawang-tawa talaga ko.





Natigil siya nung marinig namin ang tunog ng cellphone niya.




"Haist!" badtrip niyang sabi.



"Sagutin mo na, baka emergency." banggit ko at hinalikan din ang pisngi niya dahilan para mangiti na siya.





"Mabilis lang ako." nakangiting banggit niya at hinalikan ako sa ulo bago pumunta sa may terrace.




Tinignan ko lang siya habang nakikipag-usap sa cellphone niya.





"What?!" narinig kong sabi niya. Naging malakas kasi ang pagkakabanggit niya non.




Mukhang may hindi magandang nangyari.





Ano kayang nangyari?






"Fine! I'll be there! Look at all the cctv footages. Find who the suspect is, ASAP!" utos niya at pumasok na uli sa loob ng kwarto bago pinatay yung call.




Bumuntong-hininga siya at lumapit sakin.



"Emergency?" tanong ko.



Tumango siya at sumampa sa kama't lumapit sakin.




"Nakatanggap ng bomb threat ang hotel sa Makati." banggit niya. "I need to go there." malungkot na banggit niya.



Yung hotel sa Makati ang isa sa mga pinakakilalang negosyo niya under ng company namin. Kung tutuusin, napakarami niyang business here and abroad kaya nga marami siyang connection. Mas naging malago ang kumpanya namin dahil sa mga business na itinayo niya under non. Nagawa niyang isang kilalang Empire ang company namin.






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon