KEN'S POVAfter nang surprise ko kay Tata ay pinag-ready ko na siya sa pagpunta sa Nami island.
Oo. Madaling araw kami pupunta sa Nami, kasi may surprise pa ko sa kaniya doon. Hindi kami pwedeng umagahin kaya kailangan na naming bumyahe agad. Sabi ko nga, bawat segundo para sakin ay mahalaga.
Buti na lang at game din naman siya. Sa kotse na lang kami natulog habang nasa byahe. Ang driver ko na ang bahalang gumising samin kapag nandoon na kami.
4am na nung makarating kami sa Nami island. Agad kong dinala si Tata sa isang part dito kung saan makikita niya river.
"Ta, dito ka lang muna huh. May magbabantay naman sayo. Aalis lang ako saglit." banggit ko.
Alam kong matatakot siya dahil madilim pa at hindi niya kilala ang mga magbabantay sa kaniya, pero tested ko na yang mga yan. Sure ako na babantayan nila ng ayos si Tata.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
Binigyan ko siya ng binocular para makita niya ko mamaya.
"Basta, malalaman mo rin, huh. Nandun ako sa maliit na ferry na makikita mo mamaya. Huwag kang mag-alala, mabilis lang to." nakangiting banggit ko at hinalikan ang ulo niya. "Take good care of her." banggit ko dun sa mga bantay niya.
"Yes sir." anila at yumukod sakin bilang paggalang.
Agad na kong umalis at pumunta sa kinaroroonan nang business partner ko dito. Buti na lang talaga at may mataas siyang posisyon dito sa Nami kaya nagawan niya ng paraan itong surprise ko kay Tata. Isa talaga to sa mga benefits ng pagiging makapangyarihan eh. Magkakaroon ka ng malakas na koneksyon kahit saan!
Sumakay na ako sa bangka na yun at tinanong sa in-charge kung ready na ba lahat ng mga kakailanganin. Ayokong pumalpak sa surprise na to kay Tata. Gusto kong matuwa siya sa gagawin ko.
Ilang minuto lang ay umalis na kami at pumalaot sa dagat. Ginamit ko ang binocular para makita siya. Tumayo siya at ginamit din yung binocular niya para makita ako.
Ibinaba ko ang binocular ko at kumaway sa kaniya. Alam kong nakikita niya ko ngayon.
"Rita!!!" sigaw ko pero malayo to kaya alam kong hindi niya ko maririnig. "Mahal na mahal kita!!" sigaw ko pa rin.
Wala akong pakialam kung naririnig ako ng mga tao dito. Wala nga akong pakialam kung naiintindihan nila ko, dahil gusto kong sabihin ang lahat ng mga bumabagabag sa puso ko ngayon. Sabi nila, magandang paraan ang pagsigaw sa paglabas ng bigat sa puso mo.
Napatingin ako sa tao dito. Mukhang busy naman silang lahat sa pag-aayos ng mga gagamitin namin kaya tinuloy ko na lang ang pagsigaw ko. Dito ko lang naman masasabi lahat ng to.
"Tata!!!" sigaw ko. "Gusto kitang makasama habang buhay!!" sigaw ko habang naiiyak na. "Gusto kong ipangako sayo na hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo!! Na masasandalan mo ko sa lahat ng mga problema mo!!" naiiyak ko nang sigaw. "Gustong-gusto kong ipangako yun sayo!! Pero hindi ko magawa!!" umiiyak ko nang sigaw. "Gusto kong magkapamilya sayo, Ta! Gusto kong ikaw ang nakikita ko sa tuwing gigising ako sa umaga! Gusto kong kasama kang tumawa sa mga corny kong jokes! Gusto kong yakapin ka kapag umiiyak ka!! Gusto kong patawanin ka kapag nalulungkot ka!! Gusto kong bumuo ng mga bagong pangarap kasama ka!!" umiiyak kong sabi. "Marami akong gustong gawin kasama ka, Ta! Marami akong gustong puntahan at i-explore kasama ka!! Pero hindi pwede!!" banggit ko at pinunasan ang mga luha ko. "Hanggang sa pagkawala ng daddy mo, hindi pa rin niya ko gusto para sayo." malungkot kong sabi. "Hindi ko alam kung bakit pa tayo pinagtagpo? Kung hindi rin naman pala tayo itinadhana."
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...