KEN'S POV
"Ano?!!" gulat kong tanong nung banggitin ni Benjie ang nangyari sa office ni Rita.
Sh*t!! Agad akong tumayo at nagmadaling pumunta sa office niya.
Nakita ko siyang nakaupo sa sofa niya.
"Sir, kanina pa po siya ganyan." banggit ng secretary niya kaya agad akong umupo sa harap niya.
"Rita! Ta!" banggit ko pero parang hindi niya ko naririnig. "RITA!!!" sigaw ko at niyugyog ang balikat niya dahilan para bigla siyang matauhan.
"K-Ken.." banggit niya at yumakap sakin.
Niyakap ko rin siya. Ilang segundo lang ay umiiyak na siya.
"Hey," banggit ko at hinagod ang likod niya.
Lumayo siya sakin at tinignan ako.
"Pwede mo na bang aminin sakin ang totoo ngayon? Lahat ng katotohanan sa pagkamatay ng mga magulang ko." umiiyak niyang sabi.
Sh*t!
"Please Ken, sabihin mo sakin ang totoo." umiiyak niyang pagmamakaawa sakin.
Bumuntong-hininga ko at tumayo.
"Iwan niyo muna kami." banggit ko kila Benjie at dun sa Secretary niya.
Umupo ako sa tabi niya nung kaming dalawa na lang ang nandito sa office niya. Humarap siya sakin kaya mas lalo akong kinabahan.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon na tila ba kumukuha ako ng lakas doon.
"Naaalala mo yung sinabi ko sayong nabasa ko nung paalis tayo papuntang Greece?" tanong ko at tumango naman siya. "Ang totoo, hindi ko nabasa yon sa kahit anong libro, Ta." sambit ko at biglang lumaki ang mga mata niya.
Parang na-gets na niya ang ibig kong sabihin.
"Huwag mong sabihing..."
Tumango ako.
"Yung kwentong yon... yun yung kwento kung paano namatay ang daddy mo." banggit ko.
"H-hindi.. Hindi.." mas lumakas ang pag-iyak niya. "Hindi ako naniniwala sayo. Hindi magagawa ng mommy ko yon." umiiyak niyang sabi. "Hindi niya yun magagawa, Ken." umiiling niyang sabi habang patuloy na umiiyak.
Nararamdaman ko na rin ang namumuong luha sa mga mata ko dahil sa nakikita ko sa kaniya. Katulad ng inaasahan ko, hindi niya matatanggap ang katotohanang to.
"Si tita mismo yung nakita kong nasa kwartong yun nung mamatay si sir, Ta." banggit ko.
"Yung mommy ko? Alam mo kung gaano kabait ang mommy ko Ken, hinding-hindi niya magagawa yun!" nagmamatigas niyang sabi at pinunasan ang mga luha niya. "Paano niyo nasabing siya ang gumawa no'n? May ebidensiya ka ba?" inis niyang tanong dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Imposibleng wala, di ba?" banggit niya.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomantikMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...