Bonus Chapter: Expect the Unexpected

960 38 53
                                    


A/N:

Malalaman niyo po mamaya kung bakit eto yung title nang chapter na to 😁🤭

-------------------------------------

KEN'S POV





Masaya kong nakatingin sa kabuuan nang kwarto nang baby namin. Haaaaay... ang bilis nang panahon, ilang araw na lang ang hihintayin namin, lalabas na siya, haha. Siguradong magugustuhan ni baby Athena tong kwarto niya.






Napatingin ako sa gilid ko nung may yumakap sa braso ko.





"Nakatambay ka na naman dito. Excited ka na?" nakangiting tanong niya.







"Oo, Love. Excited na talaga ko, kaso kinakabahan din ako para sayo eh. Alam ko namang kakayanin mo yun, pero sana talaga walang masamang mangyari sayo." banggit ko at hinalikan ang ulo niya.







"Naku, tong asawa ko talaga oh. Kaya natin to, Love. Kinakabahan din naman ako, pero basta kasama kita doon. Alam kong kakayanin namin yun ni baby. Kakayanin nating tatlo yun." nakangiting banggit niya at bigla na lang napahawak sa tiyan niya.










"Love?" alalang tanong ko.









"Ken, sumasakit na yung tiyan ko." banggit niya.









"Manganganak ka na?" tanong ko at agad siyang inalalayan.












"Hindi ko alam." banggit niya kaya agad ko siyang inalalayan pababa at agad kaming dumiretso sa hospital.












Ilang oras siyang nag-labor. Naiinis na nga ako sa doctor kasi ilang beses niyang sinabing hindi pa time e kitang-kita ko kay Tata na hirap na hirap na siya!










Nakaka-paranoid talaga! Halos hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing dumadaing nang sakit si Tata. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at inalalayan siyang maglakad-lakad dahil yun yung bilin nang doctor sa kaniya. Bwisit talaga! Kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, ipasasara ko tong hospital na to!!









Akala ko yung makitang nagle-labor siya yung pinaka-masakit nang makikita ko sa kaniya. Mas masakit pa lang makita siyang manganak talaga! Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko at kita ko ang mabilis na paghinga niya sa tuwing matatapos siyang umire.










F*ck! Kinakabahan talaga ko sa nakikita ko sa kaniya.








Ilang minuto pa ay nakarinig na ko nang iyak nang baby. Parang lahat nang galit, inis, pangamba, at lungkot na nararamdaman ko ay nawala nang marinig ko iyon.








Hinalikan ko ang labi ni Tata nung mailabas na niya yung baby namin. Ngumiti siya sakin kahit alam kong pagod na pagod na siya. Mas minamahal ko pa siya dahil sa katapangan niya ngayon.







Dinala si Tata sa private room kaya dun na rin ako dumiretso kasama sila Benjie at Gina. Nililinisan pa si baby kaya hinayaan ko munang yung mga nurse ang mag-asikaso sa kaniya.









Hindi ko alam kung ilang minuto o may oras ba ang nakalipas. Pero bigla na lang may pumasok na nurse sa kwarto namin, dala-dala yung baby namin.








"Sir, eto na po ang baby niyo." nakangiting banggit nung nurse at inabot si Athena sakin.







Nung una kinabahan akong hawakan siya kasi baka malaglag ko, pero nung tumagal nang ilang segundo, nawala yung kaba ko at napangiti ako habang hawak yung cute na baby na yun.









My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon