KEN'S POV
Tatlong araw na ang nakalipas nung malaman ni Tata ang totoo. Sa tatlong araw na yun, naging kakaiba ang pananahimik niya. Halos hindi siya umiimik kapag kinakausap siya ng kahit na sino... kahit ako. Madalas siyang nakatulala at parang malalim ang iniisip.
Nagawa na niya lahat ng mga gusto niya. Patuloy na nagdurusa si Victor sa kulungan, at napabagsak na niya ang mga negosyo niya. Pero bakit parang hindi pa rin siya masaya?
"Tata! Halika, dinner na tayo! Nagpahanda ako ng mga paborito mo." masayang banggit ko pero ni hindi niya ko nilingon.
Nakaupo lang siya sa rattan chair sa terrace ng kwarto ko habang nakatingin sa malayo.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.
"Ta, alam mo namang kung may problema ka, pwedeng-pwede mong sabihin sakin di ba? Anong iniisip mo?" tanong ko pero ni hindi niya uli ako nilingon. "Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko pero no response pa rin.
Yumakap ako sa kaniya mula dito sa gilid niya. Napangiti ako nung isandal niya sakin ang ulo niya. Kaya tinry kong mabuhat siya papunta sa lap ko at dinala ang ulo niya sa balikat ko bago siya niyakap.
"Nandito lang ako kapag hindi mo na kaya, huh." malumanay na banggit ko at ilang segundo lang ay naririnig ko na ang pagsinghot niya.
Mas niyakap ko pa siya nung marinig ko na ang pag-iyak niya. Malamang na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kaniya ang mga nalaman niya. Baka namimiss niya lalo ang mga magulang niya.
Ilang minuto lang ay wala na kong marinig sa kaniya. Maingat ko siyang sinilip. Nakapikit na siya at mukhang tulog na.
Nakatulog na naman siya dahil sa pag-iyak. Ni hindi pa siya kumakain ng dinner. Haaaaay...
Binuhat ko siya papunta sa loob ng kwarto at ipinahiga siya sa kama. Hinalikan ko ang noo niya at sinabihan ang mga maid na iligpit na muna nila ang mga pagkain dahil bukas na kami kakain.
Tumabi ako sa kaniya sa kama at ipinikit na rin ang mga mata ko para makapagpahinga.
Nagising ako nung gumalaw siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko dahil umupo na siya.
"Sa baba." mahinang banggit niya. Paos na rin ang boses niya dahil malamang sa pag-iyak niya kanina.
"Nagugutom ka?" tanong ko.
Tumango siya kaya bumangon na rin ako.
"O bakit?" tanong niya.
"Ako na magpapa-init ng pagkain natin." nakangiting banggit ko at bumaba sa kama.
"Hindi ka pa nagdi-dinner?" tanong niya.
"Hindi pa. Gusto kasi talaga kitang makasabay sa pagkain eh." banggit ko at bumaba sa kama. "Halika na." yaya ko sa kaniya at hinawakan na ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
عاطفيةMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...