KEN'S POV
"Kamusta na ang pakiramdam niya?" tanong ko kay Benjie at umupo sa sofa ko.
(Mataas pa rin po ang lagnat niya sir, pero minomonitor po siya ni Dr. Aquino kaya huwag na po kayong mag-alala kay Miss)
Napabuntong-hininga naman ako dun. Sobrang taas ng lagnat niya kagabi nung pumunta ko sa kwarto niya para magpaalam. Nanginginig ang katawan niya kaya binalak ko sanang hindi na muna umalis, pero kailangan ko yun para din sa sarili ko. Hinalikan ko na lang ang noo niya at binulong na magpagaling siya.. bago ako tuluyang umalis.
"Okay. Alagaan niyo siyang maigi." banggit ko.
(Makakaasa po kayo sir)
"Thank you Benjie." banggit ko at pinatay na yung call.
Nandito ko ngayon sa bahay ko sa Seoul. Totoong may business meeting ako ngayon sa isang malaking company dito, pero isang linggo lang ang meeting namin. Ilalabi ko lang ang ilang mga linggo pa dito sa bahay ko para makapag-isip-isip para makapagpahinga din kahit papaano. Matagal na rin nung makalabas ako ng bansa.
Madalas na ibang tao ang pinadadala ko sa mga ganitong business meeting dahil ayokong iwan si Rita. Ayokong malaman na may masamang nangyari sa kaniya na wala ako sa malapit para mapuntahan siya agad.
First time kong umalis ng bansa mula nung dinala ko siya sa Mansion. Unang beses na pinili ko munang malayo sa kaniya dahil itanggi ko man, nasaktan talaga ko sa huling pag-uusap namin.
Hindi ko akalaing maririnig ko sa kaniya ang mga katagang iyon.
Napasandal ako sa sofa ko at napapikit.
"Feeling ko, daig ko pa ang pokpok kapag nasa tabi mo ko!!"
Napahawak ako sa ulo ko.
Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang yun. Hindi niya alam kung ano ang totoong pakiramdam na maging ganun!!
* FLASHBACK *
Pinasundo ako ni sir at dinala dito sa isang magarbong kwarto dito sa isang hotel. Nagtaka ko dahil may kasama siyang isang babae na mukhang ka-meeting niya kaya bakit pinapunta pa niya ko dito?
"Siya na ba yung tinutukoy mo?" tanong nung babae nang utusan ako ni sir na umupo sa tabi niya.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Pero may hindi ako magandang pakiramdam ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maging masaya na dinala niya ko dito.
"Aba, gwapo nga huh." nakangiting sabi nung babae at hinipo ang pisngi ko kaya agad naman akong lumayo.
"Ken.." sita ni sir kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sir, uuwi na lang po ako." banggit ko at tatayo sana pero pinigilan ako nung babae.
"Iho, huwag kang matakot. Hindi naman kita sasaktan eh." banggit niya.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
RomanceMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...