KEN'S POV
"Pero sir, last week pa po kayo gustong makausap ni Mr. Singh." banggit ni Mr. Castillo, ang General Manager ng company.
Oo, last week pa ko nakabalik bilang CEO nitong company. Si Atty. Sebastian uli ang umayos nang mga dokumento para doon. Mula no'n, inulan na nang mga calls ang office ko. Galing sa mga panibagong investors, at sa mga umalis na investors noon.
Si Mr. Singh ang isa sa mga investors na umalis nung si Tata ang nagha-handle ng company.
"Tell him na wala akong panahon sa kaniya." banggit ko at sumandal sa swivel chair ko.
Hindi ko na kailanman pag-aaksayahan nang oras ang mga taong tumalikod kay Tata noon. Hindi sila kawalan sa company!
"Pero sir, malaking tulong din satin si Mr. Singh." banggit niya dahilan para tignan ko siya ng masama.
Parang may iba kong pakiramdam sa kaniya.
"Mr. Castillo, ilang taon ka nang nagtatrabaho sa company na to?" tanong ko.
"Almost 10 years na po sir." banggit niya.
Tumango ako.
"10 years, matagal na rin pala. Sige na, makakaalis ka na. Sabihin mo kay Mr. Singh na hinding-hindi ko na nanaisin na magkaroon ng koneksyon sa kaniya." seryosong banggit ko. "Hindi siya kawalan sa company, Mr. Castillo. Nagkamali siya nung magdesisyon siyang alisin ang investment sa company na to. Sige na, makakaalis ka na." matigas kong utos.
Gumalang siya sakin bago lumabas.
Inutusan ko si Benjie na pumasok sa loob ng office ko.
"Sir," magalang na banggit niya.
"Gusto kong pa-imbestigahan mo si Mr. Castillo. Ayoko nang may pinapalaking ahas sa company na to." seryosong banggit ko.
"Yes sir." magalang na banggit niya bago umalis.
Nababasa ko sa mga galaw nang lalaking yun na may anumalya siyang ginagawa. Mukhang nagpapagamit siya kay Mr. Singh para lang makabalik sa company na to. Tsss. Nagkamali siya nang taong kinausap!
Napatingin ako sa pinto nang office nung pumasok si Tata.
"Nakasalubong ko yung General Manager. May pinag-usapan kayo?" tanong niya at lumapit sakin.
Dinala ko siya sa lap ko at niyakap ang bewang niya.
"May ipinipilit lang siya." banggit ko.
"Ayoko sa taong yun." banggit niya dahilan para matawa ko.
"Same." banggit ko dahilan para matawa din siya.
"So pareho talaga tayo nang gusto?" mapang-akit niyang tanong at pinaikot ang braso niya sa leeg ko.
"Tata, nasa work tayo." nakangiting banggit ko.
"E ano naman?" tanong niya at pinadaanan nang daliri niya ang jawline ko. "Ikaw naman ang boss eh. Ikaw ang batas! Nasayo ang lahat ng oras kung gugustuhin mo." pang-aakit niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Detrimental Lover
عاطفيةMarami sa atin ang nangangarap makatira sa isang magarbong bahay... mala-palasyong tirahan na may mararangyang mga kagamitan. Ngunit hindi si Rita. Kinasusuklaman niya ang malaking bahay na kinalalagakan niya ngayon. Isang malaking tirahan na tila n...