Your Smile

50 7 1
                                        

CAISAH's POV

Kaya't kahit ano pa man ang sabihin nang iba tungkol sa Akin ay babaliwalain Ko na lamang.

" Anak?! bakit narito Ka parin sa labas, hindi ba't malalim na ang gabi? halina't pumasok Ka na sa loob at nang makapagpahinga na Tayo, maaga pa Tayo sa bukirin bukas "

Ang Aking Ina talaga, sobra kung ito ay mag alala sa Akin.

" Tinatanaw Ko lamang po ang kalangitan at ang mga bituin, hindi po ba't kay gaganda nilang lahat? Katulad mo Ina napakaganda Niyo pong tunay "

Tumabi sa Akin si Ina at na upo rin sa kahoy na Aking inuupuan, nababakas sa Kaniyang labi ang ngiting dulot ng Aking tinuran sa Kaniya.

" Napakapilya Mo talagang bata!, hindi talaga maaaring hindi Mo Ako mapangiti sa Iyong mga winiwika "

Nakangiti parin Siya habang pinagmamasdan rin ang mga bituin tulad Ko.

" Ina! nagpapasalamat Ako dahil, sa simpleng salita Ko lamang ay napapangiti Kita, Iyan lamang kase ang maaari Kong magawa para sa Iyo "

Napansin Ko naman na tila nawala ang Kaniyang ngiti at Siya'y humarap sa Akin, tinignan Ko naman Siya nang may lungkot sa Aking mga mata.

" Caisah Anak! sa tuwing nakikita Kita at ang Iyong mga ngiti sa labi ay napapangiti narin Ako at hindi ko na, naiisip pa ang mga paghihirap Ko, malaki ang naitutulong Mo sa Akin at Ako ang dapat na magpasalamat sa Iyo dahil naging Anak Kita "

Muli Siyang ngumiti at Ako'y Kaniyang hinagkan, hinagkan Ko rin naman Siya.

" O! Kay palad Ko pagka't isang bituin, tunay na Kay lapit sa Akin, wala na Akong mahihiling, pagka't Siya'y tunay na Kay lambing "

Kumalas si Ina sa paghagkan at nakangiting humarap sa Akin.

" Napakahusay Mo talaga sa mga Tula, ngunit masasabi Ko na mahusay Ka kung Ika'y ngingiti, dahil ang Iyong ngiti ay walang katulad, Ito'y sintamis ng isang pulut pukyutan, ano kaya sa Iyong tingin, maaari na ba Akong maging manunula katulad Mo? "

Nginitian Ko si Ina sa hindi Ko malamang dahilan.

" Maaari naman Ina!, ngunit mas mainam siguro kung mas malalim pa ang Iyong gagamiting mga salita upang mas kaaya aya itong pakinggan "

" Ganoon ba? hayaan Mo't susubukan Ko Iyan ngunit halika na't pumasok na Tayo sa loob at magpahinga na, dahil maaga pa Tayo sa bukirin bukas "

" Sige po Ina, at inaantok narin po Ako, salamat po muli Ina "

" Salamat rin Anak "

Magkaakbay Kaming dalawa ni Inang pumasok sa Aming bahay at sabay na magpahinga narin.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon