Napangiti naman Ako sa mga sinabi Niya, kumalas Ako sa pagkakahagkan at humarap sa Kaniya ngunit may napansin Ako na mga mata na nakasulyap sa Aming dalawa Ni Chensa at napansin rin ito ni Chensa, na katulad Ko'y nagulat rin pagkatapos na Sila ay makita
" Ka-Kayo pala mga Ma-Mahal na Pri-Prinsipe at Pri-Prinsesa!, paumanhin po kung Kami ay nakagambala sa Inyong pamamahinga hindi na po ito mauulit pa, pasensiya na po at Kami ay mauuna na po, paumanhin po muli! "
Nais Ko rin sanang magsalita ngunit parang nadikit ang Aking dila kaya wala Akong nagawa kundi ang yumuko na lamang at magpatanggay Kay Chensa ngunit Kami ay napatigil dahil nagsalita ang isa sa mga Prinsipe
" Sandali lamang! ipinahintulot na ba sa Inyong umalis?! "
Agad naman Kaming humarap sa Kanila ng nakayuko
" Hindi pa po Kamahalan paumanhin po, kung naging mapangahas Kami na umalis ng walang pahintulot Ninyo. Patawarin Ninyo po Kami! "
Hindi Ko masilayan ng mainam ang Kanilang mga mukha dahil sa Kami ay nakayuko
" Teka nga muna! bakit ba kanina ka pa nagsasalita Chensa?! samantalang kanina pa Siya hindi umiimik! Sino ka ba at mukhang hindi ka taga rito sa palasyo, pansin Ko rin na tila balot na balot yata ang Iyong buong katawan dahil tanging mata Mo lamang ang Aming nasisilayan?! magsalita Ka!!! "
Bigla Akong nakaramdam ng kaba at takot ng marinig ang tinig ng isa sa mga Prinsesa na naroroon at sandaling nanginig ang buo Kong katawan, ngunit sinagi Ako Ni Chensa at hinudiyatan na sumagot sa katanungan sa Akin, kaya tumingin Ako sa Kanila at sumagot
" Paumanhin po sa Aking iniasal kanina Mahal na Prinsesa at Prinsepe, Ako po ay Si Caisah na taga labas, narito po Ako dahil ipinatawag po Kami nang Aking Ina ng Mahal na Reyna Veroña, ngunit hindi na po Ako isinama pa ng Aking Ina at Ni Binibining Onie, bagkus Ako po ay pinasamahan Ni Binibining Onie Kay Chensa upang libutin itong palasyo ng saglit kaya po narito Kami ngayon Ni Chensa at tungkol naman po sa Aking kasuotan mayroon po Ako sa ngayong impeksiyon sa balat at hindi po ito kaaya kaayang tingnan kaya po nakabalot po ang Aking buong katawan "
" Kung ganoon! Si Binibining Onie pala ang nagbigay ng pahintulot sa Inyo na mamasyal rito sa palasyo ng hindi Namin nalalaman! Alam Niyo ba na maaaring maparusahan Si Binibining Onie sa ginawa Niya kahit pa Siya ang nagdala rito sa Inyo dahil kitang kita parin na may mali sa ginawa Niya dahil wala namang pahintulot ng Mahal na Reyna Veroña at tanging Siya lamang ang nagbigay sa Inyo. Paano kaya kung may masama Ka palang binabalak at wala Kaming kaalam alam, baka marahil ay nagtagumpay Kana pala nang walang kahirap hirap, siguradong magiging kahihiyan ito para sa Mahal na Reyna Veroña dahil Siya ang nag imbita sa Inyo rito "
Hindi Ko maipaliwanag ang Aking nararamdaman dahil sa mga tinuran ng Mahal na Prinsesa, nagbalik na naman ang Aking dila sa pagkakadikit at hindi na naman Ako makapagsalita pakiramdam Ko rin ay mauubusan Ako ng hangin at parang Ako'y mahihimatay dahil sa bigat ng mga tubig sa Aking mata
" Tama na Iyan! Prinsesa Monsarah!, ngayon Ko lamang na alala may binanggit pala ang Aming Ina patungkol sa Kaniyang mga panauhin ngayon. Sila raw ang mga nagtatanim ng mga gulay at prutas na siyang Ating kinakain, kaya nais ng Aming Ina na Sila ay makilala at personal na makausap upang bigyan Sila ng mga bagay na kakailanganin Nila sa Kanilang bukirin, kagabi lamang ito napag isipan ng Aming Ina kaya hindi na Niya naipabatid pa sa Iba at paumanhin rin kung nalimutan Kong ipaalam sa Inyo. At sa tingin Ko naman ay walang masama sa ginawa Ni Binibining Onie dahil nakatitiyak Ako na ganoon rin ang Siyang gagawin ng Aming Ina! "
Bakas sa mukha ng Mahal na Prinsesa Monsarah ang pagkainis dahil sa mga tinuran ng Mahal na Prinsepe, kaya Siya ay umalis, sumunod rin sa Kaniya ang iba pa, maliban lamang sa Prinsepe na huling nagsalita
" Paumanhin sa Inyo kung may nasabing hindi maganda si Prinsesa Monsarah, ganoon lamang talaga Siya, O Siya!, Chensa! samahan Mo na Siya sa pinanggalingan Ninyo at Ako ay mauuna na rin! "
Bago tuluyang umalis ang Prinsipe ay Akin Siyang tinawag saglit
" Mahal na Prinsepe, " ( Sa Tubig na Ilaw, Landas Ko ay Landas Mo rin. Ang Bulaklak ay Tunay na Nagagalak sa Tanglaw ) " maraming salamat po at mauna na po Kami! "
Pagkatapos ay iniwan na namin ang Prinsepe na naguguluhan sa Aking tulang iniwanan sa Kaniya
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasiBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
