Meeting Again

23 5 0
                                    

Napakasarap talaga ng simoy ng hangin rito sa labas ng palasyo hindi katulad roon sa loob ng palasyo tunay na masama, hindi naman literal na masama hindi Ko lamang ito nais.

Kaya mas nais Ko pa na nasa labas ng palasyo kaysa sa loob, dahil doon hindi Ka maaaring magsabi nang masama patungkol sa kahit Sino man na naroroon dahil tiyak na mapapahamak Ka, kaya sinusulit Ko ang bawat araw na nakalalabas Ako at nakakapamasyal ng malaya kahit pa mag isa lamang Ako, gustuhin Ko man na mayroong makasama hindi naman iyon maaari dahil labag ito sa Aming mga Prinsepe, ang lumabas nang palasyo ng walang pahintulot nang Mahal na Hari.

Kaya mainam na sa Akin ang ganito dahil nakapapamasyal at nakapaglilibang Ako nang malaya at walang humahadlang.

Sa Aking dinaraan ri'y walang masyadong dumaraan marahil ito ay tagong daan, na isa pa sa nagpapangiti sa Akin. Kaya nakagawian Ko na rin ang pumipikit habang naglalakad at dinadamdam ang buong paligid kasabay ng paglakad, nakagiginhawa rin ito sa Aking isip.

" Ginoong Elvis! Ikaw nga! ano ang Iyong ginagawa rito?! "

Nagulat at medyo napaatras Ako kasabay ng pagdilat ng mga mata Ko, nasilayan Ko ang mukha ni Binibining Caisah na napakaaliwalas tignan at may ngiti sa labi nakamamanghang pagmasdan, hindi Ako makapaniwala na narito Siya sa Aking harapan.

Ang Akala Ko kase walang masyadong dumaraan rito at isa pa'y tago ang daanan na ito, tiyak ilan lang ang nakaaalam ng tungkol rito at kasama rin ba roon Si Binibining Caisah?.

" Paumanhin kung Ikaw ay Aking nabigla!, hindi Ko ito dapat ginawa dahil may ganitong itsura Ako at maaaring magdulot pa ito ng Iyong kamatayan dahil sa sakit ng puso! paumanhin nang labis!... "

Nababakas sa Kaniyang mukha ang lungkot dahil sa naging reaksiyon Ko sa Kaniya nang makita Ko Siya, ngunit ang akala Niya'y iyon ang dahilan nang Aking pagkabigla ngunit ang totoo'y hindi naman.

" Binibining Caisah!... huwag Kang humingi nang paumanhin, wala ka namang ginawang mali at isa pa hindi naman dahil sa itsura Mo Ako nabigla kundi, sa Iyong biglaang pagsulpot rito, hindi Ko kase ito inaasahan lalo na't tago ang daanan na ito "

" Ganoon ba?!... simula pagkabata ay alam Ko na ang tungkol sa lugar na ito dahil itinuro ito sa Akin nang Aking Ina, marahil siguro'y walang masyadong dumaraan at tago nga ito, siguro upang mas mapadali ang pagtungo Namin sa Aming munting bukirin at para masigurado Niya na nasa maayos Akong kalagayan sa tuwing magtutungo Ako sa Aming munting bukirin, ano naman ang Iyong ginagawa rito sa lugar na ito!? "

Mas matagal na pala Niyang alam ito kaysa sa Akin, napakapalad naman Niya sa Kaniayang Ina, samantalang Ako! hindi na nga bale.

" Dumaraan Ako palagi rito upang lumanghap ng sariwang hangin mula sa mga puno, sa Amin kase ang hangin roon ay masyadong nakasasakal para sa Akin "

" Saan Ka ba Niyan magtutungo! "

" Hindi Ko batid? ngunit maaari na lamang ba, na Ako'y sumama sa Iyo sa Inyong bukirin? kung iyon ay ayus lamang sa Iyo?! "

Nag isip muna Siya saglit bago muling nagsalita.

" Sige!... maaari naman! tutal wala pa naman Si Ina, maaari Mo na muna siguro Akong tulungan sa pamimitas ng mga prutas at gulay habang Si Ina ay Aking hinihintay "

Sumang ayon naman Ako at inanyayahan na Niya Ako sa paglalakad patungo sa Kanilang munting bukirin, sa Aming paglalakad nalilibang Ako sa Aking mga makikita samantalang tahimik lamang Si Binibining Caisah at nakatuon lamang sa Aming dinaraanan nais Ko sanang Siya'y kausapin ngunit ang dila Ko'y tila ayaw yatang makisama kaya muli Ko na lamang nilibang ang Aking sarili sa Aming paglalakad.

Napansin Ko naman na tumigil na Siya sa paglalakad, sa isang napakagandang hardin, ngunit ito'y isa palang munting bukirin na pagmamay ari Nila Binibining Caisah, hindi Ako makapaniwala na may ganitong lugar rito malapit sa palasyo, kung nalaman Ko lamang siguro nang maaga ang lugar na ito ay dito na lamang Ako palaging magtutungo upanh mamahinga at mamasyal, ngunit ayus parin naman dahil nakilala Ko naman Si Binibining Caisah at nakita Ko na rin ang lugar na ito kaya narito na rin Ako.

" Ginoong Elvis! naririto na Tayo sa Aming munting bukirin! halika na't upang makapag umpisa na Tayo agad hindi kase maaaring sayangin ang bawat oras, iyon kase ang sabi Ni Ina sa Akin "

Parang matutunaw yata Ako sa Kaniyang titig at tono ng boses, hindi Ko na talaga maintindihan ang Aking sarili simula ng Akin Siyang makilala at madinig ang maamo nitong boses hindi na Siya nawala pa sa Aking isipan at napapangiti na lamang Ako sa tuwing maaalala Ko ang Kaniyang boses.

Marahil tila yata umiibig na Ako sa Kaniya hindi dahil sa itsura kundi sa Kaniyang tinig at maging sa Kaniyang magandang kalooban, ngunit hindi ito dapat! dahil hindi Ko pa naman Siya lubusang kilala ganoon rin naman Siya sa Akin, sa tingin Ko'y humahanga lamang siguro Ako sq Kaniya at wala na itong iba pang kahulugan.

" Ginoong Elvis!? ayus Ka lamang ba?! "

Bumalik na lamang Ako sa Aking katinuan nang marinig Kong muli ang Kaniyang tinig.

" Paumanhin! may naaalala lamang Ako, sige at tayo na't magsimula na dahil sabi nga ng Iyong Ina, mahalaga ang bawat oras "

Napansin Ko na medyo ngumiti Siya nang kaunti at nagtungo na sa mga halaman at nag umpisa ng mamitas.

Sumunod na rin Ako at namitas na rin ng mga prutas. Sa Aming pamimitaa ay nagkukuwentuhan Kami nang patungkol sa mga halaman at labis Ko itong ikinatutuwa dahil nalilibang Ako at pati na rin Siya, dahil dalawa Kaming namimitas ay mabilis naming natapos ang pamimitas at Kami ay mag uumpisa ng magtanim ng dumating ang Kaniyang Ina.

" Ina! mabuti't dumating kana! natapos Ko na po ang pamimitas dahil tinulungan po Ako Ni Ginoong Elvis, Siya po iyong lalake na tumulong sa Akin, yung ikinukuwento Ko po sa Iyo naaalala Niyo pa po ba?! "

Nag isip muna ang Kaniyang Ina, bago ito ngumiti sa Kaniyang anak. Masasabi Kong maganda ang Kaniyang Ina kahit na ito ay may katandaan na at may magaganda ring mata at ngiti.

" Naaalala Ko na! Ikaw pala ang Ginoo na tumulong sa Aking anak?! sa wakas at nakilala na rin Kita, nais Kong magpasalamat sa Iyong ginawa isa Kang mabuting Kaibigan ng Aking Anak! dahil sa Iyong ginawa hayaan Mong saluhan Kami sa Aking dalang pagkain, bilang tanda ng Aking pasasalamat sa Iyo at hayaan Mo ring Ikaw ay Aming handugan ng Aming mga halaman rito! "

Tinawag Akong mabuting Kaibigan ng Kaniyang Ina, ngunit hindi Ko alam kung magkaibigan nga Kami.

" Siya nga naman!... masarap magluto ang Aking Ina! siguradong magugustuhan Mo ito "

" Kung ganoo'y sige! isa itong karangalan para sa Akin, salamat rin po sa Iyo sa pag anyaya sa Akin "

Ngumiti sa Akin ang Ina Ni Binibining Caisah at pagkatapos ay inanyayahan Kami na kumain muna at mamaya na lamang Namin ituloy ang Aming ginagawa.

Sumang ayon naman Kami at nagsimulang Kumain, habang kumakain Kami ay nagkukuwentuhan rin Kami tungkol sa Aming Kaniya Kaniyang buhay at di Ko maiwasang kabahan kapag Ako ang tinatanong ngunit nalulusutan Ko naman ito.

Alam Ko na, mali na Sila ay lokohin Ko at magsabi ng hindi totoo, ngunit nais Ko lamang maingatan ang sarili Ko at ang Aming palasyo, dahil maaari Akong mapahamak.

Pagkatapos Naming kumain ay bumalik na rin Kami sa pagtatanim ng halaman habang kinakausap naman ng Binibining Caisah ang mga halaman at ito'y nakamamangha.


Cursing Face (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon