The Palace ( The Kitchen and The People )

39 7 0
                                        

Alam Ko na inilalayo lamang Ako ng Aking Ina sa kapahamakan, ngunit ito na ang Aking pagkakataon upang masilayan ang loob ng palasyo at hindi Ko nais pang palampasin ito.

" O Siya Caisah! maaari Ka nang sumama, ngunit hindi Ka na sasama sa Aking pagharap sa Reyna upang masigurado Natin ang kaligtasan Mo at kaayusan rin ng palasyo "

" Kung ganoon! Tayo na sa palasyo, at Caisah! ingatan Mo ang Iyong sarili at huwag Mong kakausapin ang kahit Sino man sa palasyo upang hindi Ka mapahamak "

" Tama ang tinuran ni Binibining Onie, Caisah "

" Masusunod po Binibining Onie, ngunit paano po kung pilitin Nila Akong magsalita? ano po ang Aking gagawin? "

" Madali lamang Iyan Caisah, gamitin mo ang mga tulang nilikha Mo "

Makakatulong nga kaya ang mga tula Ko upang makaiwas Ako sa Kanila at masasama ba Sila at hindi Ko dapat Silang kausapin?.

" Nicia at Caisah! halina't pumasok na Tayo sa palasyo, tiyak na naghihintay na ang Mahal na Reyna Veroña "

" Binibining Onie! dumating na po pala Kayo! Sila na po ba ang nais na makita nang Mahal na Reyna Veroña? "

" Oo! Si Nicia at Si Caisah "

" Ikinagagalak ko po Kayong makilala, ngunit bakit po tila yata nababalot ang buong katawan Niya, Binibining Onie?! "

" Yun ay dahil---dahil sa mayroon Siya ngayong impeksiyon sa balat at ito ay di kaaya ayang pagmasdan kaya nakabalot ang Kaniyang buong katawan, O Siya! tama na ang mga katanungan magtungo kana sa Mahal na Reyna Veroña at sabihin Mong narito na Ako at kasama Sina Nicia "

" Ganoon po pala?! Sige po mauuna na po Ako at paumanhin rin po kung naging mausisa Ako "

" Nicia! Caisah! hali Kayo at sumunod Kayo sa Akin, ipapakita Ko sa Inyo ang lugar kung saan namin inihahanda ang lahat ng mga pagkain na Aming inihahanda sa mga Kamahalan "

" Sige po Binibining Onie, maraming salamat po! Ina! halika na po "

Hindi parin Ako makapaniwala na ang mga katanungan Ko sa Aking isipan ay magkakaroon pala ng kasagutan sa tulong ni Binibining Onie at ng Reyna Veroña.

" Narito na Tayo! Ito ang lugar na Aking pinagbubuhusan ng lakas at pagmamahal, Sila naman ang mga katulong Ko sa mga gawain rito at sa iba pang gawain rito sa palasyo "

Kamangha mangha talaga ang palasyo lalo na ang lugar na ito, napakalawak at napakaaliwalas nitong pagmasdan at kaygaganda rin ng mga kagamitan rito. Masasabi Ko ring isang karangalan ang maglingkod sa ganitong lugar at napakasipag at responsable ng lahat ng mga lingkod na naririto, hindi Nila alintana ang pagod bagkus ay nababalot ng ngiti ang Kanilang mukha

" Chensa!? pakikuha Mo naman ang mga bitbit ni Nicia at ilagay Mo sa nararapat na lalagyan "

" Masusunod po! Binibining Onie! Akin na po Iyang mga dala Niyo at upang gumaan na po ang Iyong mga kamay "

" Eto! Salamat sa Iyo! "

" Walang anuman po "

At mababait rin Sila kung Sila ay makitungo sa ibang tao.

Kay sarap isiping Ako'y bahagi ng ganitong samahan, ngunit kahit naman isipin Ko'y imposible dahil sa Aking kalagayan.

" Caisah?! bakit tila yata napakalalim ng Iyong iniisip?! "

" Hindi naman po! namamangha lamang po Ako sa lahat ng nakikita Ko rito "

" Nais mo bang libutin itong palasyo kahit saglit lamang?! "

" Maaari po ba?! "

" Maaari naman, ngunit kailangan ay may kasama Ka!, Kaya naman pasasamahan Kita Kay Chensa upang matiyak na hindi Ka maliligaw at mapagkakamalang estranghero rito sa palasyo "

" Chensa!? maaari Mo bang samahan Si Caisah na libutin sandali itong palasyo, habang Kami ay magtutungo naman sa Reyna Veroña? "

" Maaari naman po Binibining Onie "

" Mainam kung ganoon, ngunit bago Kayo umalis siguraduhin Mong hangga't maaari ay walang ibang tao ang kakausap sa Kaniya, maliban lamang sa mga kamahalan, upang wala tayong maging problema, malinaw ba Chensa?! "

" Opo! Binibining Onie! mauna na po Kami sa Inyo, halika na Caisah! "

" Sige! Caisah nawa'y maibigan Mo rito sa loob ng palasyo "

" Maraming salamat po Binibining Onie!, Ina! mauuna na po Ako, pangako hindi po Ako gagawa ng ikakapahamak ko at babalik rin po Ako kaagad "

" Mainam naman kung ganoon Caisah! O Siya, sige na at lumakad na Kayo ni Chensa "


Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon