The Preparation for the Royal Dinner

14 5 0
                                        

SULCA's POV

Napakaabala nang lahat ngayon sa Palasyo sapagkat magkakaroon nang malakihang pagsasalo ang buong pamilya nang Mahal na Haring Rakkus, kaya naman sobrang pinagaganda ang hapagkainan at sinisiguradong maayos ang lahat.

At naririto Ako ngayon sa lugar kung saan inihahanda ang mga pagkain na ihahanda para sa pagsasalo mamaya at naisipan Kong tumulong , na mahigpit na tinutulan nang Binibining Onie, sapagkat hindi raw Ako isang utusan sa Palasyo, kundi isang panauhin, kaya wala raw Akong dapat na gawin kundi ang maghanda para sa pagsasalo.

Ngunit pinilit Ko pa rin Siya at sinabing gusto Ko na kusang tumulong upang makabawi na rin sa naitulong sa Akin nang mga Prinsepe at nang buong Palasyo, kahit sa simpleng paraan lamang na iyon, kaya't pumayag na rin Siya ngunit sinabi Niyang tanging ang pagbabalat at paghihiwa lamang nang mga gulay ang Aking maaaring itulong at gawin.

Sinang ayunan Ko naman ito dahil gusto Ko talagang makatulong, natutuwa Ako habang naghihiwa nang mga gulay sapagkat nakikita Ko kung gaano kasaya ang mga nagtatrabaho rito, kung paano Silang lahat kumilos nang napakasigla at ngumiti sa bawat isa nang sobrang lawak.

Cursing Face (TAGALOG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon