PRINCE DELVIS's POV
" Bakit ngayon pa naman umulan!, nais Ko pa namang magtungo sa pamilihan!?, mukhang matagal pa itong titila "
Isa na naman sa mga nakakawalang ganang araw ito para sa Akin, ayoko namang manatili na lamang rito sa Aking silid at tumunganga, ayoko rin namang gawin ang mga ginagawa ng Aking Kuyang Prinsepe, nakakabagot kase ito. Kaya mas nanaisin Ko na lamang ang mamasyal at makihalubilo sa mga ordinaryong mamamayan mas nadarama Ko kase ang Aking importansiya bilang tao, dito kase sa palasyo pakiramdam Ko'y pinahahalagahan lamang Nila Ako dahil Ako ay Isang Anak ng Hari at isa sa maaaring humalili sa Kaniya.
" Mahal na Prinsepe Delvis! pinapatawag po Kayo ng Mahal na Hari! may mahalaga raw pong sasabihin Si Ginoong Alharo at kailangan Niyo raw po itong marinig! "
Bakit ngayon pa!? at ano naman ang sasabihin Ni Ginoong Alharo at kailangan Ko pa itong marinig, huwag Niyang sabihin na nakita na Niya sa pangitain Niya kung Sino ang Aking mapapangasawa at iminungkahi Niya sa Mahal na Hari na hanapin ito at Ako ang mamumuno sa paghahanap sa Kaniya. Hindi iyon maaari! hindi Ko pa nais na magpakasal, dahil marami pa Akong gustong maranasan at gawin, at hindi Ako makapapayag na mahadlangan ito.
" Ah!... ganoon ba?! pakisabi sa Mahal na Hari at Kay Ginoong Alharo na hindi Ako makakapunta dahil hindi maganda ang Aking pakiramdam at pakitawag Mo na rin Si Binibining Onie at sabihin Mo na igawa Niya Ako ng mainit na sabaw! "
Hindi naman talaga masama ang pakiramdam Ko, ngunit nang dumating ang utusan at sabihan Ako, biglang nag iba ang Aking pakiramdam na para bang nasa loob Ako ng isang pugon at nasusunog ng unti unti
" Sige po at masusunod Mahal na Prinsepe! mauna na po Ako! "
Dahil hindi na nga maayos ang lagay Ko ay nahiga na lamang Ako sa Aking higaan at nagpahinga habang hinihintay Si Binibining Onie na dumating, ngunit ang Aking mata ay tila nais na matulog kaya ipinikit Ko muna ang Aking mata
" Napakainit Niya at kailangan Niyang kumain at uminom ng gamot upang uminam Ang Kaniyang pakiramdam!, dalhin Niyo na ito! at dalhin na rin rito ang sabaw at ang Aking gamot na ginawa para sa Prinsepe Delvis! bilisan Ninyo at kailangan ng nang Prinsepe ang mga iyon! "
Bakit tila yata narito sa Aking silid Si Binibining Onie at napakadilim ng Aking nakikita? nilalamig rin Ako at manghihina
" Prinsepe Delvis! maaari po bang bumangon muna po Kayo sandali upang humigop ng sabaw at upang uminom na rin po ng gamot, upang uminam na po ang Iyong pakiramdam! "
Narito nga talaga sa Aking silid Si Binibining Onie, mukha yatang nakapikit Ako kaya madilim ang Aking nakikita marahil dapat Kong idilat ang Aking mata
" Naririto ka nga sa Aking silid Binibining Onie!, ngunit ano ang Iyong ginagawa rito? "
Napakalamig talaga ng Aking pakiramdam, ngunit napakainit naman ng Aking hininga ano nga ba talaga ang nangyayari sa Akin?!
" Naririto nga po Ako Prinsepe Delvis! at Ikaw po ang nagpatawag sa Akin at inutusan na igawa ko po Kayo ng mainit na sabaw "
" Paumanhin, pagka't nalimutan Ko ito!, marahil dahil sa biglang pagsama ng Aking pakiramdam. Sa tingin Mo ba, Ako'y may karamdaman sa ngayon? napakalamig ng Aking pakiramdam at napaka init naman ng Aking hininga!? "
" Nauunawaan Ko po Prinsepe Delvis! sa tingin Ko nga po ay may karamdaman Kayo ngayon, marahil po ay nilalagnat Kayo dahil sa nararamdaman Niyo at dahil sa mainit rin po Kayo. Mabuti pa po't higupin Niyo na po itong sabaw at pagkatapos ay inumin rin itong gamot upang uminam na po ang Iyaong pakiramdam at pagkatapos ay maaari na po Kayong magpahinga muli "
Inalalayan Ako Ni Binibining Onie upang makaupo pagkatapos ay iniabot Niya sa Akin ang sabaw, tumanggap Ko naman ito at hinigop, nang natapos na Ako, iniabot namang sunod sa Akin ang gamot na Kaniyang ginawa upang inumin Ko. Pagkatapos Kong inumin ito, tinulungan Akong muli Ni Binibining Onie na mahiga na muli at sinabihan Ako na magpahinga ng muli at Sila raw ay aalis na, magpapadala na lamang daw Siya muli ng pagkain at gamot mamayang tanghali upang agad Akong lumakas, pagkatapos lumabas na Sila aa Aking silid.
BINABASA MO ANG
Cursing Face (TAGALOG)
FantasiBecause of the magical rain that falls in the Land of Lights the life of people living their was fully change. The Ugly and Scaring Girl life is change too. Let us follow the story as I write it and I hope you'd all enjoy it😍
